Opisyal ng Quezon Province, hinimok ng mga Obispo na pigilan ang pagtatayo ng coal-fired power plant

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 11,072 total reads

Hinimok ng mga obispo ng Quezon Province ang mga opisyal ng pamahalaang panlalawigan na talikuran ang paggamit ng coal at pigilan ang pagtatayo ng mga bagong coal-fired power plant sa lalawigan, lalo na sa bayan ng Atimonan.

Sa liham na ipinadala sa gobernador at mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan, iginiit nina Lucena Bishop Mel Rey Uy, Gumaca Bishop Euginius Cañete, at Infanta Bishop Dave Capucao, ang agarang pagkilos ng mga lider sa gitna ng lumalalang krisis sa klima.

Ayon sa mga obispo, ang patuloy na pag-asa sa fossil fuel ay nagdudulot ng panganib sa kalikasan at kabuhayan ng mamamayan, lalo na sa gitna ng pabago-bagong sitwasyon sa pandaigdigang merkado ng enerhiya.

“As stewards of both public trust and God’s creation, everyone are collectively entrusted with the responsibility to act decisively in the face of the climate crisis, aggravated by the geopolitical conflict in the Middle East where Philippines’ deep fossil fuel-dependence jeopardizes the welfare of its consumers and the commons,” ayon sa pahayag.

Nagpahayag naman ng suporta ang Quezon for Environment (QUEEN) sa panawagan ng simbahan, at binigyang-diin ang pangangailangang pangalagaan ang mga komunidad, lalo na ang mahihirap at bulnerable.

Sinabi ni QUEEN Convenor, Fr. Warren Puno, hindi na dapat ipagpaliban ang paglipat sa malinis na enerhiya, at dapat itong maging pangunahing prayoridad ng pamahalaan at komunidad.

Ibinahagi naman ni Msgr. Emmanuel Villareal, isang paring taga-Atimonan, na matagal nang tinututulan ng mga residente ng Atimonan ang mga planong coal plant sa kanilang lugar, kasabay ng panawagan para sa mas malinis at ligtas na mapagkukunan ng enerhiya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Karagatan para kanino?

 96,608 total reads

 96,608 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 133,395 total reads

 133,395 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 163,969 total reads

 163,969 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 212,903 total reads

 212,903 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 274,496 total reads

 274,496 total reads Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 54,563 total reads

 54,563 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top