Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Bantayan ang PhilHealth

SHARE THE TRUTH

 79,204 total views

Mga Kapanalig, isa sa pinakamabigat na dagok sa isang pamilya ay kapag may isang miyembrong dinapuan ng matinding karamdaman. Mula sa pagsasalalim sa mga medical tests, pagkonsulta sa mga doktor, pagbili ng mga gamot, at pagpapaospital, lahat sa pamilya ay apektado. Bukod sa pag-aalala natin sa maysakit nating kapamilya, balisa rin tayo sa pag-iisip kung paano matutustusan ang mga gastusin.

Napakamahal talagang magkasakit sa Pilipinas, biro nga ng marami. 

Pero hindi ito magandang biro, lalo na kung narinig ninyo ang balita tungkol sa pagbibigay ng Philippine Health Insurance Corporation (o mas kilala bilang PhilHealth) ng tinatawag na excess fund nito sa kaban ng bayan o national treasury. Nagkakahalaga ito ng halos 90 bilyong piso! May sobra palang pondo ang PhilHealth! 

Paliwanag ng DOH, hindi naman daw ito nanggaling sa kontribusyon ng mga miyembro. (Kung kayo po ay empleyado, nasa 5% ng inyong buwanang suweldo, mula sa dating 4%, ang hulog ninyo sa PhilHealth.) Ang excess fund ng PhilHealth ay mula raw sa hindi nagamit na subsidy o pondong inilalaan ng gobyerno para sa mga kababayan nating walang kakayahang magbayad ng kanilang kontribusyon, katulad ng kapos sa buhay, senior citizens, at PWD. Sa dami ng mga nangangailangan—pumunta lamang po kayo sa mga pampublikong ospital para makita ang napakahabang pila ng mga pasyente—paanong nagkaroon ng ganitong kalaking excess fund ang PhilHealth?

Sa ilalim ng Universal Health Care Act, malinaw na sinasabing ang anumang sobrang pondo ng PhilHealth ay dapat gamitin sa dalawang bagay: una, sa pagpapalawak ng mga benepisyo para sa mga miyembro nito, at pangalawa, sa pagbabawas sa regular na kontribusyon ng mga miyembro. Kung tapat tayo sa diwa ng universal health care, hindi na dapat mabigat sa bulsa ang pagpapagamot gaya ng mga nagpapa-dialysis o nangangailangan ng operasyon. Kahit nga ang pagpapakonsulta sa mga doktor at iba pang proseso para maagapan ang pagkakasakit ay dapat na sagot ng PhilHealth. Pero hindi ito ang tunay na nangyayari.

Wala ring nakasaad sa Universal Health Care Act na pwedeng kunin ng national treasury ang excess fund ng PhilHealth kahit pa isa itong government-owned and -controlled corporation (o GOCC). Pero iniutos pa rin ng Department of Finance na mag-ambag ang PhilHealth ng 90 bilyong piso sa kaban ng bayan. Nasa 20 bilyong piso na ang naipasok ng PhilHealth ngayong taon. May 70 bilyong piso pa. 

Ang mas mahalaga, dapat nating bantayan kung saan gagamitin ang excess funds na ipinapapasok ng DOF sa kaban ng bayan. Sa utos na inilabas nito, sinabi roong gagamitin ang pondo para tustusan ang mga “unprogrammed appropriations” sa 2024 General Appropriations Act o ang batas na naglalaan ng budget para sa mga programa at proyekto ng gobyerno. Kapag sinabing “unprogrammed” ang isang programa o proyekto, wala ito sa ipinasàng budget, hindi planado, at, hinala ng marami, isiningit ng mga mambabatas para sa kani-kanilang constituents. Naku po, eleksyon pa naman!

Hindi naman natin sinasabing may katiwaliang nagaganap o magaganap sa paglilipat ng excess funds ng PhilHealth sa national treasury. Pero hindi natin maiiwasang magtaka kung bakit ganoon na lamang ang kagustuhan ng DOF na magpasok ng pera ang PhilHealth kahit pa salungat ito sa batas at hindi epektibong natutugunan ng ahensya ang pangangailangan ng mga miyembro nito. 

Mga Kapanalig, sa mga panlipunang turo ng Simbahan, ipinaaalalang tungkulin ng gobyerno ang kabutihang panlahat o common good. Kasama rito ang pagbibigay ng tulong sa mga mahihina at dukha—isang mandato ng mga ahensyang katulad ng PhilHealth. Ang mga nasa gobyerno ay, gaya ng ipinahihiwatig sa Roma 13:4, mga lingkod para sa ikabubuti [natin]. Pakatandaan sana ito ng lahat sa ating pamahalaan.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Walang education crisis?

 26,031 total views

 26,031 total views Mga Kapanalig, itinanggi ng Palasyo ng Malacañang na may education crisis sa ating bansa. May isang contestant kasi sa isang noontime show na

Read More »

Hindi sagot ang pag-unfriend

 37,748 total views

 37,748 total views Mga Kapanalig, kumusta ang inyong mga social media feed nitong nakaraang linggo? Punô ba ito ng mga balita, opinyon, o kaya naman ay

Read More »

Katarungang abot-kamay

 58,581 total views

 58,581 total views Mga Kapanalig, pinahahalagahan sa Banal na Kasulatan ang katarungan. Ayon sa Levitico 19:15, “Huwag kayong hahatol nang hindi makatarungan. Huwag ninyong kikilingan ang

Read More »

Truth Vs Power

 75,053 total views

 75,053 total views Sinasabi sa mga opinyon Kapanalig, “truth” when one who says it is in power, out of it, even critic and evidence doesn’t matter.

Read More »

Heat Wave

 84,287 total views

 84,287 total views Kapanalig, ramdam mo na ba ang maalinsangang panahon? Pinagpapawisan ka na ba sa init ng panahon? Ang mainit na panahon na sanhi ng

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang education crisis?

 26,032 total views

 26,032 total views Mga Kapanalig, itinanggi ng Palasyo ng Malacañang na may education crisis sa ating bansa. May isang contestant kasi sa isang noontime show na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sagot ang pag-unfriend

 37,749 total views

 37,749 total views Mga Kapanalig, kumusta ang inyong mga social media feed nitong nakaraang linggo? Punô ba ito ng mga balita, opinyon, o kaya naman ay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Katarungang abot-kamay

 58,582 total views

 58,582 total views Mga Kapanalig, pinahahalagahan sa Banal na Kasulatan ang katarungan. Ayon sa Levitico 19:15, “Huwag kayong hahatol nang hindi makatarungan. Huwag ninyong kikilingan ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Truth Vs Power

 75,054 total views

 75,054 total views Sinasabi sa mga opinyon Kapanalig, “truth” when one who says it is in power, out of it, even critic and evidence doesn’t matter.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Heat Wave

 84,288 total views

 84,288 total views Kapanalig, ramdam mo na ba ang maalinsangang panahon? Pinagpapawisan ka na ba sa init ng panahon? Ang mainit na panahon na sanhi ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Aangat ang kababaihan sa Bagong Pilipinas?

 73,828 total views

 73,828 total views Mga Kapanalig, “Babae sa Lahat ng Sektor, Aangat ang Bukas sa Bagong Pilipinas!”  Ito ang tema sa paggunita natin ng National Women’s Month

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Plastik at eleksyon

 81,887 total views

 81,887 total views Mga Kapanalig, mala-fiesta na ba sa inyong lugar sa dami ng mga nakasabit na tarpaulins at posters ng mga kandidato? Asahan ninyong darami

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sasakay ka ba sa mga resulta ng surveys?

 102,888 total views

 102,888 total views Mga Kapanalig, nagsusulputang parang kabute, lalo na sa social media, ang iba’t ibang surveys na nagpapakita ng ranking ng mga kandidato sa paparating

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Culture Of Service

 62,891 total views

 62,891 total views Saan mang panig ng mundo, hinahangaan tayong mga Pilipino lalu na ang mga Filipino Migrant workers o mga Overseas Filipino Workers (OFW). Sinasaluduhan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Record High

 66,583 total views

 66,583 total views Lagot tayo Kapanalig… Para sa kaalaman ng lahat na Pilipino, naitala sa record high ang utang ng pamahalaan ng Pilipinas nito lamang Enero

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Heads Will Roll

 76,164 total views

 76,164 total views Here we go again! Ang pahayag na “heads will roll” ay gasgas na Kapanalig. Malinit natin itong naririnig at napapanood sa tuwing mayroong

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Negative campaigning

 77,826 total views

 77,826 total views Mga Kapanalig, walang nagbabawal sa mga kandidato ngayong eleksyon o sa kanilang mga tagasuporta na magsagawa ng tinatawag na “negative campaigning”. Tugon ito

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

No to mining

 95,157 total views

 95,157 total views Mga Kapanalig, inanunsyo noong nakaraang linggo ng Maharlika Investment Corporation, ang investment company na pagmamay-ari ng gobyerno, na magpapautang ito para sa isang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Higit sa armas at bala

 71,140 total views

 71,140 total views Mga Kapanalig, isa sa mga pangunahing aksyon ng ikalawang administrasyon ni US President Donald Trump ay ang pag-freeze sa mga proyekto ng United

Read More »
Latest News
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nasaan Napunta Ang Pera?

 63,997 total views

 63,997 total views Kapag pera ang pag-uusapan, ito ay magulo…lumilikha ng hindi pagkakaunawaan, nang away. Taon-taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet ng Pilipinas, nag-aaway ang mga

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top