Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 698 total reads

Nagbalik na sa paaralan ang mga estudyante ng ating bayan. Hirap man ang maraming mga pamilya, tuloy-tuloy na ulit ang regular na pagpasok ng mga bata sa mga eskwela ngayon. Good news ito, dahil mas marami na ulit matutunan ang mga bata, mas matutukan na nila ang mga leksyon, at makakasama na nila ang kanilang mga kaibigan.

Kaya lamang, ang pagbabalik paaralan ng mga estudyante ay nagpakita rin ng malaking isyu na kinakaharap ng marami nating  mga kababayan. Ito ay ang gutom. May mga insidente na ating nakikita ngayon sa mga balita sa social media at sa telebisyon kung saan ang may mga kabataan ang pumapasok ng paaralan na wala pang almusal at wala ring baon habang nagka-klase. Kaya  nga’t may mga guro na nagtaguyod na ng mga classroom pantry kung saan maaaring makakuha ng meryenda ang mga batang walang baon sa klase.

Magandang inisyatibo ito kapanalig, kaya lamang hindi natin dapat iasa sa mga guro ang nutrisyon ng mga estudyante. Ang pamahalaan ay dapat manguna sa pangangalaga ng nutrisyon ng mga bata, lalo pa’t mas dumami ang nakakaranas ng kahirapan ngayon sa ating bayan. Mas nagiging banta ngayon ang malnutrisyon.

Ang malnutrisyon, kapanalig, ay hindi lamang simpleng gutom. Banta ito sa kinabukasan ng mga bata. Ito ay nagdudulot ng poor learning at cognitive issues. Kung hindi makapag-aral ng maayos ang bata, ang kanyang kinabukasan ay nakokompromiso – limitado ang mga trabaho na kanyang makukuha. Makukulong siya sa kahirapan, at gutom din ang mararanasan ng kanilang mga anak. Ang malnutrisyon ngayon ay maaaring magdulot ng walang katapusang cycle of poverty.

Ang malnutrisyon ay nagdudulot na ng stunting sa maraming kabataang Filipino. Tinatayang isa sa tatlong batang Filipino ang stunted. Ang ating bansa ay panglima sa mga bansa sa East Asia and the Pacific at isa sa mga sampung bansa sa buong mundo na may pinaka-maraming stunted children. Ang nakakalungkot pa, kapanalig, 0.52 lamang ang score ng bansa sa Human Capital Index noong 2020 pagdating sa productivy. Nangangahulugan ito na ang bawat bata na sinilang ngayon ay makakamit ang kalahati lamang ng kung ano ang maaari nilang makamit kung may kumpletong edukasyon at buong kalusugan. Sabay sana sa pagbubukas ng paaralan ay ang pagtutok din ng ating bayan sa kalusugan ng ating mga kabataan. Mahalagang gawain ito kapanalig, dahil ang pangangalaga sa kalusugan ng kabataan ay pangangalaga din sa kalusugan ng ating bayan. Ang pagtugon sa isyu ng gutom, lalo na ng mga bata, ay pagpapahalaga sa dignidad ng tao. Sabi nga ni Pope Francis sa isang UN Forum noong Hulyo 2021: “Ang gutom ay isang krimen na lumalabag sa karapatang pantao ng bawat indibidwal.”

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 75,164 total reads

 75,164 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 110,057 total reads

 110,057 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 145,357 total reads

 145,357 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 371,626 total reads

 371,626 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 260,934 total reads

 260,934 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Just energy transition sa Semirara

 75,165 total reads

 75,165 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 110,058 total reads

 110,058 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 145,358 total reads

 145,358 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 371,627 total reads

 371,627 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »
Scroll to Top