243 total views
Malaking hamon sa mga mambabatas ang paggawa ng batas na nakabatay sa moralidad at katotohanan dahil ang nagmula sa Panginoon ang kapangyarihan at posisyon ng mga mambabatas.
Ito ang panawagan ni Former Senator Francisco ‘Kit’ Tatad sa mga incumbent legislator na patuloy na nagsusulong ng mga panukalang batas na itinuturing na ‘death bills’ kabilang na ang pagpapababa ng Criminal Liability Age mula sa 15-taong gulang pababa sa 9 na taong gulang at death penalty.
Hinimok ng dating Senador ang mga mambabatas na manindigan at gamitin ang kanilang konsensiya sa sa isinusulong na panukalang batas na lalabag sa karapatang pantao.
“Yung paggawa po ng batas alinsunod po yan sa moralidad at sa katotohanan, yung ating mga nakaupo dyan sa Kongreso ay dapat yun po ang unang iniintindi kung ano yung tama at mali”.pahayag ni Tatad.
Bukod kay Tatad ay ilang pang mga dating mambabatas at opisyal ng pamahalaan ang nakiisa sa pagtatanggol ng buhay at nakibahagi sa isinagawang Walk for Life sa Quirino Grandstand noong Sabado, ika-18 ng Pebrero.
Read: http://www.veritas846.ph/statement-archbishop-soc-villegas-walk-life-2017/
http://www.veritas846.ph/save-lives-lakad-laban-sa-karahasan/