Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Bayang baón sa utang

SHARE THE TRUTH

 373 total views

Mga Kapanalig, kayo ba ay may utang?

Talaga namang napakabigat sa loob ang humiram ng pera sa iba. Inilalarawan nga sa Mga Kawikaan 22:7 ang umuutang na para bang alipin ng kanilang pinagkakautangan. Sa hirap ng buhay ngayon, marami sa atin ang napipilitang umutang para lang maitawid ang isang araw. Sa harap ng nagtataasang presyo ng mga bilihin at mababang suweldo, ang paghiram ng pera, kahit man nakakahiya, ay nagiging paraan upang makaraos ang marami nating kababayan.

Ganito rin ang ginagawa ng ating pamahalaan, lalo na nitong tinamaan tayo ng pandemya. Umalis sa puwesto si Pangulong Duterte nang may halos 13 trilyong pisong utang ang bansa. Sa halagang ito, 70% ay mga domestic borrowings habang 30% ay utang mula sa ibang bansa at external creditors. Ang malaking halaga ng ating utang-panlabas ay dahil na rin sa mahinang piso, kaya bago magsaya ang mga kababayan nating napapadalhan ng dolyar mula sa mga kaanak nilang nagtatrabaho sa ibang bansa, isipin sana nating ang palitan ng piso at dolyar ay may malaking epekto sa utang ng Pilipinas.

Nakababahala ang pagkabaón natin sa utang dahil mangangahulugan ito ng pagdadagdag ng buwis o paglalaan ng malaking bahagi ng kaban ng bayan upang bayaran ang utang ng bansa. Nangyayari ito dahil na rin sa Automatic Appropriations Law na isinabatas noong diktadurya ni Ferdinand Marcos, Sr., ang tatay ng kasalukuyang presidente. Sa ilalim ng batas na ito, automatic na naglalaan ang gobyerno sa budget nito taun-taon ng halaga upang ipambayad sa utang. At siyempre, kinukuha ito sa buwis na nakukulekta mula sa mga Pilipino.

Para naman sa mga utang-panlabas natin, may mga grupong nananawagan sa mayayamang bansa na kanselahin ang anila’y illegitimate debts. Binabatikos ng Freedom from Debt Coaliton at Asian People’s Movement on Debt and Development ang mga mayayamang bansa, partikular ang tinatawag na Group of Seven o G7, dahil sa halip na tulungan ang maliliit na bansang tugunan ang tunay na pangangailangan ng mga mamamayan nila, ibinabaon nila ang mga gobyerno nito sa utang. Ang mas nakababahala pa, ang mga proyektong pinopondohan ng mga utang na ito ay nakapipinsala sa kalikasan, nagtataboy sa mga komunidad, at sumisira sa mga kabuhayan ng mga tao. Kung tutuusin, ang malalaking bansa pa nga ang may utang sa mga maliliit na bansang katulad ng Pilipinas. Ang kaunlarang tinatamasa nila ngayon ay bunga ng pagsira nila sa kalikasan na sanhi ng climate change; ang climate change naman ang nagdadala sa atin ng matinding tag-init at malalakas na bagyong nakaaapekto sa atin, lalo na sa mga mahihirap.

Ngunit ang utang-panlabas ng Pilipinas, sabi nga sa isang pahayag ng CBCP noong 1990, ay produkto, hindi lamang ng mga pandaigdigang mekanismong labas sa ating kontrol, kundi ng mga desisyon at hakbang na ginagawa ng mga nasa pamahalaan. Ang panawagang kanselahin ng mayayamang bansa ang ating utang sa kanila ay may kaakibat na pagtatayâ mula sa atin. Tanong nga noon ng CBCP, paano tayo makikipagnegosasyon sa mga nagpapautang sa atin kung hindi naman natin kayang tuldukan ang korapsyon at pagnanakaw sa pondo ng bayan? Paano pangungunahan ng ating gobyerno ang pakikipag-usap sa ibang bansa kung bulag ito sa katiwalian at kung hindi nito hinahabol ang mga nagnakaw?

Mga Kapanalig, ang utang na iniwan ng administrasyong Duterte ay tiyak na matutulad sa utang na iniwan ng diktaduryang Marcos. Babayaran ang mga ito ng buwis ng kasalukuyang henerasyon ng mga Pilipino at ng mga susunod pa sa atin. Hindi sasapat ang pagkakaisa o unity upang maiahon ang isang bayang baón sa utang. Ipagdasal natin ang kasalukuyang administrasyon sa pagharap nito sa pinakamalaking hamon nito.

Sumainyo ang katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

THEATRE OF THE ABSURD

 22,553 total views

 22,553 total views “Theater that seeks to represent the absurdity of human existence in a meaningless universe by bizarre or fantastic means”. Kapanalig, ito ang tawag

Read More »

MISALIGNED

 36,613 total views

 36,613 total views Nararapat ang pagsasanay ng mga guro ay naka-aligned sa reyalidad at pangangailangan ng mga modernong silid-paaralan sa bansa. Ngunit, natuklasan sa pag-aaral ng

Read More »

SONA

 55,184 total views

 55,184 total views STATE OF THE NATION ADDRESS (SONA)… Ito ay pag-uulat sa bayan ng pangulo ng Pilipinas taon-taon. Sa SONA, dapat inilalatag o ipinapaalam ng

Read More »

Para saan ang confidential funds?

 79,880 total views

 79,880 total views Mga Kapanalig, inanunsyo kamakailan ng mayor ng Capas, Tarlac na hindi na isasama ng kanyang opisina ang confidential funds sa annual budget ng

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

12345

RELATED ARTICLES

THEATRE OF THE ABSURD

 22,554 total views

 22,554 total views “Theater that seeks to represent the absurdity of human existence in a meaningless universe by bizarre or fantastic means”. Kapanalig, ito ang tawag

Read More »

MISALIGNED

 36,614 total views

 36,614 total views Nararapat ang pagsasanay ng mga guro ay naka-aligned sa reyalidad at pangangailangan ng mga modernong silid-paaralan sa bansa. Ngunit, natuklasan sa pag-aaral ng

Read More »

SONA

 55,185 total views

 55,185 total views STATE OF THE NATION ADDRESS (SONA)… Ito ay pag-uulat sa bayan ng pangulo ng Pilipinas taon-taon. Sa SONA, dapat inilalatag o ipinapaalam ng

Read More »

Para saan ang confidential funds?

 79,881 total views

 79,881 total views Mga Kapanalig, inanunsyo kamakailan ng mayor ng Capas, Tarlac na hindi na isasama ng kanyang opisina ang confidential funds sa annual budget ng

Read More »

Atin ang West Philippine Sea!

 71,370 total views

 71,370 total views Mga Kapanalig, noong Hulyo 12, ginunita natin ang ikasiyam na anibersaryo ng pagkapanalo ng Pilipinas sa UN Arbitral Ruling ukol sa ating soberanya

Read More »

GEN Z PROBLEM

 95,068 total views

 95,068 total views Bawasan o alisan ng access ang mga menor de edad sa social media? Sa isang pag-aaral, 95-porsiyento ng mga kabataang Pilipino na may

Read More »

STATE AID o AYUDA

 103,780 total views

 103,780 total views Hindi lang panahon ng halalan pinag-uusapan ang ayuda., noon ang mga tumatakbong pulitiko lamang ang namimigay ng ayuda..sa tuwing may eleksyon lang naman.

Read More »

PERFECT CRIME

 107,411 total views

 107,411 total views Sa mga eksperto ng law enforcement, walang “perfect crime”. Para sa Federal Bureau of Investigation (FBI), ang salitang “perfect crime” ay isang ‘myth’

Read More »

Witch hunt?

 109,967 total views

 109,967 total views Mga Kapanalig, inihalintulad ni Senador Juan Miguel Zubiri sa “witch hunt” ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Para daw itong paghahanap

Read More »
1234567