Mga Filipino, talo sa Bulacan Airport Special Economic Zone

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 835 total views

Kinatigan ng Ibon Foundation ang pag-veto ni Pangulong Ferdinand Marcos Junior sa House Bill 7575 na magtatayo ng Bulacan Airport Special Economic Zone (eco-zone).

Ayon kay Sonny Africa – Executive Director ng institusyon, malaki ang malulugi sa pamahalaan dahil sa mga tax incentives at holidays na ibinibigay sa mga negosyong itatayo sa eco-zone.

“Tama lang ang pag-veto ng proposed Bulacan ecozone, pagtangka ito na bigyan ng napakalaking fiscal incentives at awtoridad ang proyekto ng SMC na mapanira sa kalikasan at hanapbuhay ng mga komunidad,” ayon sa mensaheng ipinadala ni Africa sa Radio Veritas.

Paninindigan din ni Africa na tanging kasiraan sa kalikasan at kabuhayan ng mga mamamayan sa Bulacan ang dulot ng proyekto ng kumpanyang San Miguel Corporation.

“Liban sa mga insentibo, ang pagpapatayo ng ecozone ay may kaakibat din na paggastos sa bahagi ng gobyerno. Parang naging subsidyo ito sa tubo at kita ng mga mamumuhunan. Hindi rin ito tama,” ayon pa kay Africa.

Ayon kay Pangulong Marcos, ang dahilan ng pag-veto sa HB 7575 ay dahil sa malaking tax incentives kung saan maaring napakababa o hindi pagbabayarin ng buwis ang mga negosyong mamumuhunan sa eco-zone na banta at karagdagang pasakit sa mamamayan.

Sinabi ng pangulong BBM na ang 60-kilometrong pagitan ng Clark Special Economic and Freeport Zone at Bulacan Airport Special Economic Zone ay malapit ang pagitan na labag sa saligang batas at polisiya na ipinatupad sa mga special economic zone sa bansa.

Unang kinundena ng Ecumenical Bishops’ Forum, Bulacan Ecumenical Forum at iba pang makakakalikasang grupo ang pagpapatayo ng paliparan.

Ito ay dahil sa pinsalang idudulot ng proyekto sa kalikasan at kabuhayan ng mga mamamayan sa paligid ng paliparan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 21,018 total views

 21,018 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 51,241 total views

 51,241 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 77,892 total views

 77,892 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 172,865 total views

 172,865 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 192,725 total views

 192,725 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top