VeritasPH

The Word, The Truth

Bayang baón sa utang

SHARE THE TRUTH

 252 total views

Mga Kapanalig, kayo ba ay may utang?

Talaga namang napakabigat sa loob ang humiram ng pera sa iba. Inilalarawan nga sa Mga Kawikaan 22:7 ang umuutang na para bang alipin ng kanilang pinagkakautangan. Sa hirap ng buhay ngayon, marami sa atin ang napipilitang umutang para lang maitawid ang isang araw. Sa harap ng nagtataasang presyo ng mga bilihin at mababang suweldo, ang paghiram ng pera, kahit man nakakahiya, ay nagiging paraan upang makaraos ang marami nating kababayan.

Ganito rin ang ginagawa ng ating pamahalaan, lalo na nitong tinamaan tayo ng pandemya. Umalis sa puwesto si Pangulong Duterte nang may halos 13 trilyong pisong utang ang bansa. Sa halagang ito, 70% ay mga domestic borrowings habang 30% ay utang mula sa ibang bansa at external creditors. Ang malaking halaga ng ating utang-panlabas ay dahil na rin sa mahinang piso, kaya bago magsaya ang mga kababayan nating napapadalhan ng dolyar mula sa mga kaanak nilang nagtatrabaho sa ibang bansa, isipin sana nating ang palitan ng piso at dolyar ay may malaking epekto sa utang ng Pilipinas.

Nakababahala ang pagkabaón natin sa utang dahil mangangahulugan ito ng pagdadagdag ng buwis o paglalaan ng malaking bahagi ng kaban ng bayan upang bayaran ang utang ng bansa. Nangyayari ito dahil na rin sa Automatic Appropriations Law na isinabatas noong diktadurya ni Ferdinand Marcos, Sr., ang tatay ng kasalukuyang presidente. Sa ilalim ng batas na ito, automatic na naglalaan ang gobyerno sa budget nito taun-taon ng halaga upang ipambayad sa utang. At siyempre, kinukuha ito sa buwis na nakukulekta mula sa mga Pilipino.

Para naman sa mga utang-panlabas natin, may mga grupong nananawagan sa mayayamang bansa na kanselahin ang anila’y illegitimate debts. Binabatikos ng Freedom from Debt Coaliton at Asian People’s Movement on Debt and Development ang mga mayayamang bansa, partikular ang tinatawag na Group of Seven o G7, dahil sa halip na tulungan ang maliliit na bansang tugunan ang tunay na pangangailangan ng mga mamamayan nila, ibinabaon nila ang mga gobyerno nito sa utang. Ang mas nakababahala pa, ang mga proyektong pinopondohan ng mga utang na ito ay nakapipinsala sa kalikasan, nagtataboy sa mga komunidad, at sumisira sa mga kabuhayan ng mga tao. Kung tutuusin, ang malalaking bansa pa nga ang may utang sa mga maliliit na bansang katulad ng Pilipinas. Ang kaunlarang tinatamasa nila ngayon ay bunga ng pagsira nila sa kalikasan na sanhi ng climate change; ang climate change naman ang nagdadala sa atin ng matinding tag-init at malalakas na bagyong nakaaapekto sa atin, lalo na sa mga mahihirap.

Ngunit ang utang-panlabas ng Pilipinas, sabi nga sa isang pahayag ng CBCP noong 1990, ay produkto, hindi lamang ng mga pandaigdigang mekanismong labas sa ating kontrol, kundi ng mga desisyon at hakbang na ginagawa ng mga nasa pamahalaan. Ang panawagang kanselahin ng mayayamang bansa ang ating utang sa kanila ay may kaakibat na pagtatayâ mula sa atin. Tanong nga noon ng CBCP, paano tayo makikipagnegosasyon sa mga nagpapautang sa atin kung hindi naman natin kayang tuldukan ang korapsyon at pagnanakaw sa pondo ng bayan? Paano pangungunahan ng ating gobyerno ang pakikipag-usap sa ibang bansa kung bulag ito sa katiwalian at kung hindi nito hinahabol ang mga nagnakaw?

Mga Kapanalig, ang utang na iniwan ng administrasyong Duterte ay tiyak na matutulad sa utang na iniwan ng diktaduryang Marcos. Babayaran ang mga ito ng buwis ng kasalukuyang henerasyon ng mga Pilipino at ng mga susunod pa sa atin. Hindi sasapat ang pagkakaisa o unity upang maiahon ang isang bayang baón sa utang. Ipagdasal natin ang kasalukuyang administrasyon sa pagharap nito sa pinakamalaking hamon nito.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Mga payaso sa sirko

 6,084 total views

 6,084 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 22,070 total views

 22,070 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 30,115 total views

 30,115 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »

Kuryente

 35,195 total views

 35,195 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »

Nutrisyong sapat para sa lahat

 40,901 total views

 40,901 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 6,085 total views

 6,085 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 22,071 total views

 22,071 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 30,116 total views

 30,116 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 35,196 total views

 35,196 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 40,902 total views

 40,902 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 44,504 total views

 44,504 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 41,429 total views

 41,429 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 55,743 total views

 55,743 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 59,433 total views

 59,433 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 58,036 total views

 58,036 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kamag-anak, Inc.

 68,023 total views

 68,023 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Diplomasya ang susi

 71,991 total views

 71,991 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Educator sa DepEd

 82,878 total views

 82,878 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Heatwave at Malubhang Pagbaha sa Pilipinas

 95,317 total views

 95,317 total views Ang Pilipinas, bilang isang arkipelagong bansa, ay madalas na nakakaranas ng iba’t ibang kalamidad na dulot ng pagbabago ng klima. Isa sa mga pangunahing suliranin na kinakaharap natin ngayon ay ang matinding init o heatwave. Ka-alternate naman nito, kapanalig, ay ang malawakang pagbaha naman sa iba-ibang parte ng ating bansa, kahit pa walang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hamon ng Climate Change

 106,075 total views

 106,075 total views Ang climate change o pagbabago ng klima ay biggest challenge ng mundo ngayon. Ang Pilipinas ang isa sa pinakabulnerable dito. Ang epekto nito ay lubhang nararamdaman at nagdudulot ng malaking pagbabago sa ating kalikasan, kabuhayan, at pang-araw-araw na buhay. Dahil arkipelago ang ating bayan, lubhang bulnerable ito sa pagtaas ng temperatura, pagbabago sa

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top