Be your partner’s “best friend’’.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 659 total reads

Ito ang mungkahi ng Robert Aventajado, president ng Marriage Encounter Foundation of the Philippines (MEFP) sa mga mag-asawa at mapanagutan ang pangakong magsasama habang buhay.

Ayon kay Aventajado hindi solusyon ang diborsyo sa halip ay ang pagpapayabong ng buhay mag-asawa kasama ang Panginoon.

“On the practical sense ang itinuturo namin sa ME kailangan yung mag-asawa sila ang best barkada. Ibig sabihin kayo ang mag-bestfriend ng asawa mo. Kasi nag-umpisa kayo dalawa lang kayo nagkaroon kayo ng anak and then ang mga anak nyo eventually magkakaroon ng sariling buhay… kayo na lang dalawa ulit,” paliwanag ni Aventajado.

Noong nakalipas na March 13, ipagdiwang nina Mr. and Mrs. Robert at Tinnette Aventajado ang kanilang ika-47 anibersaryo bilang mag-asawa na katulad din ng karaniwang mga mag-asawa ay dumaan din sa mga pagsubok sa buhay.

“Kaya kailangan you have to work it out hindi naman ‘yan lumalabas ng basta kailangang pinagsisikapan ‘yan. You nurture it every day work on it. And then ang laki ng benefit ng mag-asawa na nagsasama ng maayos. Lahat naman ng mag-asawa dumaraan sa problema maski kami ni misis pero nalagpasan namin. Dahil nanduon ang Diyos sa gitna namin. Kung nanduon ang Diyos sa gitna nyong dalawa, unang una madaling magpatawad, madaling umunawa. Kung ang pagmamahal ng isa’t isa ay mas malaki kaysa sa pagkakamali at dahil may takot sa Diyos ay maso-solve nila,” ayon kay Aventajado.

Naniniwala si Aventajado na madaling mapagtagumpayan ang mga pagsubok kung si Kristo ang nasa sentro ng pagsasama ng bawat mag-asawa at ng bawat pamilya.

“Kaya sa amin hindi divorce ang solusyon…paniniwala sa Diyos! At saka talagang hindi ka bibitaw at least isa hindi bibitaw hindi nawawalan ng pag-asa. Ang pinakamalaking kasalanan kasi sa buhay bilang katoliko yung nawawalan ka ng pag-asa,” ayon pa kay Aventajado.

Sinabi ni Aventajado na malaking bagay ang pagsailalim nilang mag-asawa sa marriage encounter na nagmulat sa kanila kung paano maisasaayos ang pagsasama kabilang dito ang pagpapatag ng pananampalataya sa Panginoon at ang kung paano mag-usap ang mag-asawa ng hindi nauuwi sa pag-aaway.

Ang MEFP ay kinabibilangan ng 86 na grupo at tinatayang umaabot sa 500,000 couple members sa buong bansa.

Pangunahing itinuturo ng ‘All for Jesus Marriage Encounter Community’ sa marriage encounter ay ang kahalagahan ng kasal at ang obligasyon ng mag-asawa bilang magkatuwang sa buhay para sa kanilang pamilya.

Inaanyayahan ni Aventajado ang mga mag-asawa o mga nagsasama na sumailalim sa marriage encounter at makinig sa Radio Veritas tuwing Miyerkules ganap na alas: 8 hanggang 9 ng gabi sa programang ‘Couple Power: Lakas ng Mag-asawa’.

Layon ng programa na bigyan ng inspirasyon ang mga tagapakinig sa pagpapatatag ng pagsasama ng bawat mag-asawa at pagkakaroon ng maayos na pamilya sa kabila ng mga pagsubok sa buhay.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 50,124 total reads

 50,124 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 129,790 total reads

 129,790 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 163,237 total reads

 163,237 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 198,535 total reads

 198,535 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 423,087 total reads

 423,087 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 16,230 total reads

 16,230 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »
Scroll to Top