Ecowaste coalition, dismayado sa tambak na basura sa mga pilgrims site

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 580 total reads

Ikinadismaya ng Ecowaste Coalition ang tambak ng basura sa mga kilalang pilgrim sites sa nakaraang mahal na araw.

Ayon kay Daniel Alejandre, zero waste campaigner ng grupo, tahasang pagpapakita ng kawalang paggalang ng mga mananampalataya sa ginugunitang pagpapakasakit at muling pagkabuhay ng Panginoong Hesukristo ang iniwang tambak na basura.

Kabilang sa mga lugar na nasiyasat ng grupo ang ilang mga Simbahan sa Bulacan at ang National Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage sa Antipolo.

“Just like in previous years, the Lenten pilgrimage to both religious sites left a trail of trash that is totally unbefitting of the spiritual journey that many devotees do to affirm their faith, ask forgiveness for past wrongs and give thanks for blessings received,” pahayag ni Alejandre.

Karamihan sa mga basurang nagkalat na nakolekta ng grupo sa pakikipagtulungan ng mga lokal na pamahalaan ay mga dyaryo, karton, mga plastic na bote at kainan, mga tirang pagkain at upos ng sigarilyo.

Sa kabila nito umaasa pa rin ang grupo na sa patuloy na pagbibigay aral sa mga mananampalataya ay maisasabuhay din nito ang tunay na saloobin ng Panginoon sa bawat mananampalataya na pangalagaan ang sanlibutang tinubos ni Hesukristo mula sa mga kasalanan.

“We surely are not happy with what we saw, but hope springs eternal in the human heart. We therefore reiterate our appeal to the faithful to care for Mother Earth, sustainer of all life, as they fulfill their religious vows. Faith-inspired endeavors should set a higher benchmark for environmental stewardship,” dagdag pa ni Alejandre.

Sang-ayon naman sa Encyclical na Laudato Si ni Pope Francis, hindi pag-aari ng mga tao ang lupain ng daigdig at bagkus ang bawat isa ay mga tagapangasiwa lamang na may tungkuling magpanatili, mahalin at pangalagaan ang likas na pinagkukunang yaman ng mundo para sa kapakinabangan ng susunod na henerasyon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 49,151 total reads

 49,151 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 128,846 total reads

 128,846 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 162,293 total reads

 162,293 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 197,591 total reads

 197,591 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 422,198 total reads

 422,198 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT LALAYO PA?

 37,619 total reads

 37,619 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 30,508 total reads

 30,508 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top