Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Benepisyo ng manggagawa, hindi lang trabaho, kaakibat ng Right to Work –Ibon Foundation

SHARE THE TRUTH

 363 total views

Dapat bigyang halaga ang mga manggagawa.

Ayon kay Rosario Bella Guzman, executive Director ng Ibon Foundation, bawat isa ay dapat kilalanin na ang right to work ay isang karapatan ng mamamayan para magkaroon ng disenteng pamumuhay.

Base ulat ng National Economic and Development Authority nitong Enero 2017, umaabot sa 6.6 percent ang unemployment mula sa 60 milyon ng kabuuang labor force sa Pilipinas na mas mataas kumpara sa 5.7 percent sa nakalipas na taon.

Dagdag pa ni Guzman, bukod sa trabaho dapat ding magkaroon ng karampatang sahod at benepisyo ang mga manggagawa upang maiplano nito nang maayos ang kaniyang buhay kabilang na ang pagpapamilya.

“Napakasipag ng mga Filipinong manggagawa, kaya nga sabi nila tatlong kahig wala pa ring tuka. Bagama’t mas malaki ang sweldo natin sa Chinese workers, pero ang mga manggagawa doon ay sinusundo ng gobyerno sa bahay nila at inihahatid sa mga pabrika, at sila ay may libreng edukasyon at may mababang cost sa health services,” ayon kay Guzman.

Sa isang mensahe ni Pope Francis, isa sa pangunahing karapatan ng isang tao sa lipunan ang pagkakaroon ng marangal na trabaho na may karampatan sahod at benepisyo para sa kanilang paggawa upang maitaguyod ang kanilang pamilya.

“Kaya nga kung kinukumpara ang wage level, maaring mas mataas tayo in terms of dollar parity considering na pare-pareho tayo ng dollar value. Pero wala na tayong social services, lahat ay nagtataasan. Even public utility, singilin sa kuryente, tubig ay nasa pribadong sector pero sa ibang mga bansa ay subsidized yung mga ganun kaya sa ilang bansa kapag wala kang trabaho o mababa ang suweldo mo ay may gobyerno na aalalay sa ‘yo,” dagdag pa ni Guzman.

Ayon sa fastcompany.com ang Norway at Denmark ang nangunguna global ranking sa pagpapatupad ng karapatan ng mga manggagawa tulad ng kasiguraduhan sa trabaho.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

GEN Z PROBLEM

 28,413 total views

 28,413 total views Bawasan o alisan ng access ang mga menor de edad sa social media? Sa isang pag-aaral, 95-porsiyento ng mga kabataang Pilipino na may

Read More »

STATE AID o AYUDA

 46,397 total views

 46,397 total views Hindi lang panahon ng halalan pinag-uusapan ang ayuda., noon ang mga tumatakbong pulitiko lamang ang namimigay ng ayuda..sa tuwing may eleksyon lang naman.

Read More »

PERFECT CRIME

 66,334 total views

 66,334 total views Sa mga eksperto ng law enforcement, walang “perfect crime”. Para sa Federal Bureau of Investigation (FBI), ang salitang “perfect crime” ay isang ‘myth’

Read More »

Witch hunt?

 83,242 total views

 83,242 total views Mga Kapanalig, inihalintulad ni Senador Juan Miguel Zubiri sa “witch hunt” ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Para daw itong paghahanap

Read More »

Tahimik sa conflict of interest?

 96,617 total views

 96,617 total views Mga Kapanalig, itinanggi ni Senador Mark Villar ang mga akusasyong ginamit niya ang kanyang posisyon bilang dating kalihim ng Department of Public Works

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Jubilee 2025: PILGRIMS OF HOPE

 73,288 total views

 73,288 total views Sa araw na ito ng Kapistahan ng Sagrada Pamilya, atin ding inilulunsad Hubileo ng Pagasa. Idineklara ng Santo Papa ang taon 2025 bilang

Read More »

Ayaw ko ng Divorce, sabi ng Diyos

 99,103 total views

 99,103 total views AVT Liham Pastoral Minamahal kong mga Kristiyano sa Bikaryato ng Taytay, Hayaan po nating magsalita ang Diyos sa atin. Maliwang ang kanyang sinasabi.

Read More »

Bayanihan, tema ng PCNE 10

 137,131 total views

 137,131 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advicula ang pagdiriwang ng misa sa pagsisimula ng three-day Philippine Conference on New Evangelization (PCNE)

Read More »
Scroll to Top