Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

BFP, dinalaw ng Poong Hesus Nazareno

SHARE THE TRUTH

 2,455 total views

Ikinagalak ng mga kawani ng Bureau of Fire Protection na mapabilang ang BFP National Headquarters sa Quezon City sa mga tanggapang dinalaw ng Nuestro Padre Jesus Nazareno.

Ayon kay BFP Post Chaplain Fr. (SInp) Raymond Tapia, CHS, nagpapatunay ito na hindi pinababayaan ng Panginoon ang bawat isa lalo na ang mga naglilingkod sa kapakinabangan ng mamamayan.

Sinabi ng pari na ang pagdalaw ng poon ay paalala sa mga bombero na ipagkatiwala sa Panginoon ang kanilang mga sarili lalo na sa pagtupad ng kanilang mga tungkulin.

“Magandang mensahe sa pagdalaw ng poon na kaming mga bombero ay ilagay namin ang aming mga sarili sa kamay ng Poong Hesus Nazareno sa gitna ng hirap na dinadanas ng ating bansa, sa paggawa at pagtupad namin sa tungkulin namin ang Mahal na Poong Hesus Nazareno ang magiging lakas namin; paalala sa amin na hindi kami iniiwan ng Diyos ituloy lang namin ang aming ginagawa,” pahayag ni Fr. Tapia sa panayam ng Radio Veritas.

Isa ang BFP Chaplaincy sa mga tanggapang bahagi ng ‘Dalaw Nazareno 2023’ kung saan inilibot ng Minor Basilica of the Black Nazarene o Quiapo Church ang replica image ng poon sa mga simbahan at tanggapan sa Metro Manila at Luzon.

Ito ang inisyatibo ng basilica na sinimulan noong 2021 makaraang ipagpaliban ang nakagawiang Traslacion dahil sa COVID-19 pandemic.
Bagamat unti-unting ibinabalik ang ilan sa mga gawain sa kapistahan ng poon sa January 9 ay minarapat ng basilica na ipagpatuloy ang Dalaw Nazareno upang mabigyang pagkakataon ang mga deboto sa labas ng Manila na matunghayan ang Nuestro Padre Jesus Nazareno.

Dumalo sa pagdalaw ng Poong Nazareno ang mga opisyal at kawani ng BFP gayundin ang mga deboto sa karatig tanggapan tulad ng Ombudsman.

Pinangunahan ni Fr. Tapia ang banal na misa sa St. Florian Chapel katuwang si Deputy Chaplain Fr. Gil Rochar Dulay.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 83,520 total views

 83,520 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 91,295 total views

 91,295 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 99,475 total views

 99,475 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 115,007 total views

 115,007 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 118,950 total views

 118,950 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blogs

Scroll to Top