Bishop elect ng Tandag, lubos ang pasasalamat sa biyayang kaloob ng Panginoon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 616 total reads

Ito ang mensahe ni Bishop-elect Raul Dael sa mga dumalo sa kanyang Episcopal Ordination na isinagawa sa Saint Augustine Metropolitan Cathedral sa Cagayan De Oro City.

Ayon kay Bishop Dael, ang patuloy na pasasalamat sa mga biyayang natatanggap ay nagpapabago sa kalooban ng bawat isa at nararapat lamang na ibahagi sa kanyang kapwa.

“And I think that it is in embracing the transition that we will able to discover the beauty of the gift. Many times we are afraid of our weaknesses but many times also we are afraid of our gifts. It is in embracing our gifts that we can conquer our weaknesses because the gift will transform us into becoming a better persons,” Bishop Dael.

Ang Episcopal Ordination ay pinangunahan ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle, kasama sina Cagayan De Oro Archbishop Antonio Ledesma, Tandag Bishop-emeritus Nereo Odchimar at mga obispo mula sa Luzon, Visayas at Mindanao.

Si Bishop Dael ang ikatlong obispo ng Tandag na siyang hahalili matapos ang pagreretiro ni Bishop Nereo Odchimar-dating pangulo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) na nagsilbi sa diyosesis sa loob ng 17 taon.

“My beloved priests from Tandag with all the affection I will bring with me from Cagayan De Oro I will try as your bishop that you would be at home to cry with me. I might be the cause or not but we can cry together,” ayon kay Bishop Dael.

Si Bishop-elect Dael ay isinilang noong October 10, 1966, inordinahang pari sa edad na 27 at nagsilbi bilang Parochial vicar ng Saint Augustine Cathedral, parochial administrator ng St. Peter the Apostle Parish sa Misamis Occidental.

Nagsilbi rin si Bishop-elect Dael bilang director ng spiritual at pastoral formation ng St. John Vianney Seminary of Theology.

Bago itinalagang obispo, si Bishop-elect Dael ay nagsisilbi bilang Vicar for the Clergy ng Archdiocese of Cotabato.

Ang Diocese ng Tandag ay may higit sa 600 libong populasyon na may 80 porsiyento ng mga katoliko.

Ito ay binubuo ng 52 mga pari na nangagasiwa sa may 24 na parokya.

Sa kasalukuyan, siyam sa 86 na diyosesis at arkidiyosesis sa bansa ang ‘sede vacante’ o walang nakaupong obispo.

Nabakante ang Diyosesis ng Malolos dahil sa pagpanaw ni Malolos Bishop Jose Oliveros dahil sa sakit na ‘prostate cancer’ at ang Diocese ng Butuan dahil sa pagpanaw naman ni Bishop Juan de dios Pueblos sa sakit na pneumonia.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 8,729 total reads

 8,729 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 43,790 total reads

 43,790 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 80,274 total reads

 80,274 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 98,485 total reads

 98,485 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 182,356 total reads

 182,356 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top