Pagtaas ng inflation rate, mabigat na pasanin ng mamamayan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,787 total views

Malaking dagok sa mamamayan ang pagtaas ng inflation rate sa bansa.

Ayon kay Joshua Mata ang Secretary General ng Sentro ng mga Nagkakaisa at Progresibong Manggagawa o SENTRO,hindi sapat ang binibigay na pabuya ng pamahalaan na pag-alis sa buwis sa mga manggagawang may taunang kita na 250-libong piso dahil binabawi naman ito sa pagpapataw ng mataas na buwis sa mga produktong karaniwang kinokonsumo ng mamamayan.

Dismayado si Mata sa pagpatupadang pamahalaan ng panibagong tax measure sa kabila ng bigong pagtugon sa patuloy na pagtaas ng presyo ng pangunahing bilihin sa bansa.

“Malaking dagok itong inflation na ito kahit na binibigyan pa ng TRAIN Law ng pabuya ang ating mga manggagawa na magkaroon ng tax break o yung first 250,000, kahit may ganyan babawiin at babawiin ng gobyerno sa pamamagitan ng matataas na taxes sa ating kinokonsumo lalo na itong tinatawag na excise taxes sa langis at sugar sweetened beverages. Sa madaling salita po nasa sitwasyon tayong may bagong tax measure na ini-implement habang tumataas ang presyo ng bilihin dahil sa kapalpakan ng policy ng gobyerno natin sa bigas at dahil sa international na galaw ng presyo ng langis.” pahayag ni Mata sa panayam ng Radio Veritas.

Dahil dito kailangan ng mamamayan ang maayos na programang tutugon sa usapin at hindi ang nakaiinsultong pahayag mula sa mga opisyal ng gobyerno.

Naniniwala si Mata na dapat magpatupad ang pamahalaan ng massive cash transfer program at ayusin ang Pantawid Pasada program para sa mga tsuper at operator ng pampublikong sasakyan upang maibsan ang epekto ng inflation sa mga mamamayan sa bansa.

Bukod dito ay kinundena rin ng grupo ang pahayag ng National Economic and Development Authority na sapat na ang sampung libong kita para sa pamilyang may limang kasapi dahil walang matibay na basehan ng kanilang pag-aaral.

“Natural na naka anger mode ang mga tao sa callous statement ng ating mga opisyal ng gobyerno tapos biglang papasok pa ang NEDA sa presentation nila na kung tutuusin ay pag-aaral lamang ng average expenditure ng mga mahihirap subalit hindi naipaliwanag ng maayos kaya talagang aani sila ng batikos.” dagdag pa ni Mata.

Batay sa ulat ng Philippine Statistics Authority umabot sa 4.6 – porsiyento ang inflation rate noong Mayo mas mataas kumpara sa naitalang 4.5 – porsiyento noong Abril.

Sa datos ng NEDA 0.65 – porsiyento ang naiambag ng presyo ng isda at iba pang yamang dagat sa sa kabuuang inflation rate, 0.60 porsiyento naman sa mga produktong langis at 0.56 porsiyento naman sa tinapay at cereals.

Samantala, sa katuruang panlipunan ng Simbahang Katolika, mahalagang alalahanin ang kabutihang pangkalahatan na pangunahing naaapektuhan ng pagtaas at pagbaba ng presyo ng mga bilihin sa merkado.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 1,656 total views

 1,656 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 28,112 total views

 28,112 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

NUMBER’S GAME

 78,796 total views

 78,796 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 84,853 total views

 84,853 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Konkretong paraiso?

 113,983 total views

 113,983 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top