Green bills, isabatas na

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 433 total reads

Umapela si Ifugao Lone District Representative Teddy Brawner Baguilat sa kanyang kapwa Kongresista at sa mga Senador na ipasa na sa lalong madaling panahon ang “Green Bills”.

Ayon kay Baguilat, ito’y bilang patunay na sinsero ang pamahalaan at ang mga mambabatas sa adhikaing protektahan ang kalikasan.

Partikular pang hinimok ng Kongresista ang chairpersons at mga miyembro ng Committee on Environment and Natural Resources, at Indigenous Cultural Communities.

Paliwanag nito bilang isang miyembro ng tribu ng mga Ifugao, itinuturing nilang mga katutubo na isang sagradong lugar ang mga kagubatan, na tanda ng kanilang tradisyon kung saan malayang magkakasamang mamuhay ang mga tao at ang kalikasan.

“As a member of the Ifugao tribe, we look at the forest as sacred ground. It represents our long tradition and practice of co-existing with nature. It is where we have taken root and lay our forebears to rest. Because it is sacred, it has to be protected and conserved,” pagbibigay diin ni Baguilat.

Dagdag pa ng Kongresista may sustinableng sistema ang mga katutubo ng pangangalaga sa kalikasan.

Aniya, maayos na nahahati-hati ng mga katutubo ang paggamit sa likas na yaman ng mga kagubatan, at prayoridad dito ang pagprotekta sa kalikasan, at hindi ang pag-abuso sa yamang maibibigay nito.

Naniniwala si Baguilat na ang tradisyunal na pamamaraan ng mga katutubo ay makatutulong ng malaki lalo na sa kinahaharap na suliraning pangkalikasan sa kasalukuyan.

“If there is a need for production areas in our forests, we make sure these are carefully regulated and sustained. Ironically, it is this old, traditional knowledge which promises new solutions to the challenges we face in environmental management,” dagdag pa ng Kongresista.

Kabilang sa mga tinatawag na Green Bills na isinusulong ni Baguilat ang Indigenous Community Conserved Areas (ICCA) bill, National Land Use and Management Act (NLUA) bill, Forest Resources bill (FRB) at Philippine Minerals Resources (PMR) bill.

Umaasa si Baguilat na sa pamamagitan ng Green Bills ay mapangangasiwaang mabuti ang likas na yaman ng Pilipinas, para na rin sa kapakanan ng susunod na henerasyon.

Sangayon sa Encyclical Letter na Laudato Si ni Pope Francis, ang kalikasan ay hindi pag-aari ng sinuman dahil ito’y ipinagkaloob ng Panginoon sa tao upang pangalagaan at pagyabungin para sa kapakinabangan ng susunod pang henerasyon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 49,078 total reads

 49,078 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 128,775 total reads

 128,775 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 162,222 total reads

 162,222 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 197,520 total reads

 197,520 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 422,133 total reads

 422,133 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT LALAYO PA?

 37,617 total reads

 37,617 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 30,506 total reads

 30,506 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top