27,403 total views
Ipinaabot ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang dasal at pakikiisa sa mga biktima ng lindol sa Davao Region partikular na sa Manay Davao Oriental na epicenter ng 7.6 at 6.8-magnitude na lindol.
Ayon kay Bishop Santos, nawa sa kabila ng panibagong pagsubok sa mga Pilipino ay manatiling matatag ang pananampalataya higit ng mga Davaoeño na lubhang naapektuhan ng sakuna.
Umaapela din ang Obispo sa lahat ng parokya, lay organizations at catholic institution na magkaisa sa pagtugon sa pangangailangan ng mga apektado ng lindol
“In every trembling of the earth, may our faith stand firm. In every tear of fear, may hope spring forth. And in every wound of tragedy, may healing flow from our compassionate God.” To the people of Davao , you are not alone. The entire community of faith stands with you—in prayer, in action, and in compassion. I call upon our parishes, lay organizations, and institutions to unite in responding to the needs of our brothers and sisters in Davao,” ayon sa mensaheng pinadala ni Bishop Santos sa Radyo Veritas.
Ipinagdarasal din ni Bishop Santos ang paghilom ng Panginoon sa Davao at pamamagitan ng Mahal na Birheng Maria upang hindi na maranasan pa ang anumang lindol o matitinding aftershocks.
Hiniling naman ng Obispo ang paghilom ng Panginoon sa pagluluksa ng mga Pilipinong namatayan ng mahal sa buhay dahil sa magkakasunod na trahedya.
“Let us pray: Lord our God, in the midst of tremors and trials, You are our refuge. Embrace Davao with Your peace. Heal the wounds of their hearts, and strengthen their spirits to rise again. Through Christ our Lord, with the intercession of the Blessed Virgin Mary, whom we lovingly invoked as Our Lady of Peace and Good Voyage, we pray. Amen.” I am with you in prayer and in action. May the Lord of peace bless and keep you always,” ayon sa panalangin ni Bishop Santos na pindala sa Radyo Veritas.
Sa Situational Report ng National Disaster Risk Reduction Management Council, 7-katao na ang namatay habang 11-katao ang nawawala.
8,436 mga indibidwal na katumbas ng 3,519-pamilya ang naapektuhan ng lindol habang 752 naman ang naitatalang aftershocks.




