Breakdown ng Peace and Order, Pinuna ng isang Opisyal ng Simbahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,230 total reads

Tila nagkakaroon na ng ‘Breakdown ng Peace and Order’ sa bansa kaugnay ng patuloy na insidente ng pagpaslang.

Ito ang pagninilay ni Fr. Anton Pascual, pangulo ng Radio Veritas at Executive Director ng Caritas Manila sa panibagong insidente ng pagpatay sa Alkalde ng Nueva Ecija at Alkalde ng Tanauan,Batangas.

“Kapag nagbabasa ka ng diaryo lalu kang natatakot sapagkat araw-araw maraming napapatay. At ang pinapatay hindi mga ordinaryong tao mga Mayor, mga Pari. Anong nangyayari sa bansang Pilipinas, mukhang there is a breakdown of Peace and Order,” ayon kay Fr. Pascual.

Hinikayat naman ni Father Pascual ang bawat isa na patuloy na ipanalangin ang Pangulo para bigyang tuon ang ‘Peace and Order’ sa bansa.

Sa hiwalay na pahayag, naniniwala naman si UP law Professor Atty. Florin Hilbay-dating Solicitor General na hindi kasama sa ‘priority’ ng Pangulong Duterte ang paglutas sa mga kaso ng mga pagpaslang sa bansa.

“Parang hindi concern ng pangulo na lutasin ang problema dahil yung isa lang pagpatay ng isang mamamayan lalu na ng isang LGU official is already problematic, dapat nagra-raise ng concern ang ating kapulisan at ating Pangulo dahil hindi puwedeng hayaan na may pinapatay lalu na isang Public Official lalu na kung sunod-sunod,” ayon kay Hilbay.

Iginiit ni Hilbay na hindi lamang iisang beses nagbigay ng iresponsableng pahayag ang Pangulo hinggil sa pagpatay lalu na sa mga hinihinalang sangkot sa droga.

“Meron siyang Supervision over Local Government, kaya napaka-iresponsable ‘yung mga pahayag ng Pangulo dahil napaka-importanteng role ng Pangulo is to enforce the law. Hindi puwede yung siya mismo ang nag-e-encourage ng criminal act,” ayon kay Hilbay.

Una na ring nanawagan ang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) na wakasan na ang pagpaslang sa halip ay umpisahan na ang paghilom kabilang na sa higit 20,000 biktima ng pagpatay na kabilang sa Death Under Investigation (DUI) ng PNP.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 41,664 total reads

 41,664 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 91,830 total reads

 91,830 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 139,701 total reads

 139,701 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 243,650 total reads

 243,650 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 327,621 total reads

 327,621 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top