Pagsasailalim ng Boracay sa Land Reform, Dapat pag-aralang mabuti

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 635 total views

Maraming dapat isaalang-alang sa balak na isailalim sa land reform ang Isla ng Boracay.

Ayon kay Rev. Fr. Jose Tudd Belandres – Parish Priest ng Our Lady of the Most Holy Rosary Parish sa Boracay, bagamat maganda ang binabalak ng pamahalaan na ipamahagi ang lupa ay dapat ring matiyak kung saang lupain ang ipamimigay dahil hindi maaaring ideklarang lupang pang-agrikultura ang buong isla.

Ipinaliwanang ng pari na ang mga katutubo mismo ang nagdesisyon na ibenta ang kanilang lupain sa mga Negosyante at kung sakaling ipamamahagi ito ng Pamahalaan ay sila rin ang magiging Benepisyaryo.

“Yung mga katutubo mismo ang nagbenta ng lupain nila ay ibabalik na naman sa kanila tapos ibebenta naman nila kaya maraming Considerations ito to Address.” pahayag ni Fr. Belandres sa Radio Veritas.

Batay sa naunang pagsaliksik ng Department of Agrarian Reform, mahigit sa 800 ektarya ng lupa ang posibleng isailalim sa Comprehensive Agrarian Reform Program at ipamamahagi sa mga residente ng isla.

Dagdag pa ni Fr. Belandres dapat makatotohanan ang mga impormasyong naipararating kay Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa nasabing usapin upang maisasaayos ang pagpapatupad ng mga programa.

Samantala, ibinahagi rin ng pari na nakatanggap ng tulong mula sa mga Ahensya ng Pamahalaan ang mga residenteng nawalan ng trabaho dulot ng pagsasara ng isla ng Boracay.

Nagpapatupad ng cash for work ang ilang ahensya ng pamahalaan tulad ng Department of Social Welfare and Development na nagpapasahod ng 353 – piso kada araw kung saan halos 2-libong indibidwal ang nakinabang.

Ang mga nabigyan ng trabaho ang nanguna sa paglilinis sa mga baybaying dagat, pagsira sa mga iligal na Istruktura at pagsasaayos sa mga Wetlands sa lugar.

Batay sa ulat ng DSWD halos 3-libong residente ang nakatanggap ng tulong pangkabuhayan na nagkakahalaga ng 15-libong piso bawat isa sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program habang mahigit 10-libong Benepisyaryo naman ang binigyan ng Transportation Assistance na nagkakahalagang 24.8 milyong piso sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situations program.

Magugunitang ipinasara ni Pangulong Duterte ang buong isla sa Publiko ng 6 na buwan na nagsimula noong ika – 26 ng Abril para sa rehabilitasyon.

Binigyang diin sa ensiklikal ni St. John Paul 2 na Laborem Excersens ang kahalagahan ng pagbibigay ng tamang pasahod at benepisyo sa mga manggagawa sa lipunan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mula Batanes hanggang… saan?

 54,112 total views

 54,112 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 128,726 total views

 128,726 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 208,805 total views

 208,805 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 251,944 total views

 251,944 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

BURNOUT

 249,815 total views

 249,815 total views Kapanalig, sa Southeast Asia, ika-apat ang Pilipinas sa happiest country. Ika-56 naman ang Pilipinas mula sa 147 na bansa sa buong mundo na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top