55,359 total views
Kapanalig, ang “banditry” isang uri ng organized crime na ginawa ng mga “outlaws” o sa madaling salita ay criminal. Bakit ginamit ang “budgetary banditry” sa 2025 General Approrpiations Act (GAA)?
Bakit, itinuturing na “outlaws” ang mga mambabatas na nagpasa ng 2025 General Appropriations Act at Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na siyang lalagda sa bicameral conference committee para sa 2025 pambansang budget? Kapanalig, napakabigat na paratang na “banditry” sa mga ating mga kagalang-galang na Congressman, Senador at maging sa pangulong Marcos.
Tinawag na budgetary banditry ang 2025 GAA dahil sa sinasabing “mockery of governance” kung saan malinaw ang pagkakaroon ng incompetence,corruption at kawalan ng accountability na laganap sa gobyerno ng Pilipinas.
Ang 2025 General Appropriations Act scandal ay pagkakaroon o pagsingit ng mga blangko sa bicameral conference committee report na ipinasa kay Pangulong Marcos upang lagdaan at ganap na maging batas. Ang ginawa ng bicameral conference committee na binubuo ng Senado at Mababang Kapulungan ng Kongreso ay hindi lamang oversight o technical laspes kundi nakakahiya at lantarang “legislative malpractice” at otomatikong betrayal of public trust. Kapanalig, hindi naman daw iligal ang paglalagay ng blangko sa panukalang budget…. Pero ay sinadyang gawin o naka-disenyo upang mabigyan ng kapangyarihan ang mga makakapangyarihan na namamahalala sa pamahalaan tulad ng pangulong Marcos, mga mambabatas na magkaroon ng hindi nasisilip o unchecked discretion sa bilyun-bilyong pisong pondo ng banya o kabang bayan.
Ang blangko sa bicameral conference committee report ay insulto sa ating mga nagbabayad ng buwis. Sa kabila ng lantarang panloloko…malakas pa ang loob ng ating mambabatas na singilin tayong mga Pilipino ng buwis!
Sinabi sa Corinthians 11:13-15 “For such men are false apostles, deceitful workmen, disguising themselves as apostles of Christ. And no wonder, for even Satan disguises himself as an angel of light. So it is no surprise if his servants, also, disguise themselves as servants of righteousness. Their end will correspond to their deeds”.
Nadagdagan pa ang insulto sa mga tax payers sa katwiran ni Representative Stella Quimbo na ang mga naka-singit na blangko sa bicam report ay para sa technical corrections” lamang.
Kapanalig, ito ba ang inaasahan natin sa mga sinasabing “stewards” o tagapangalaga sa 6.326-trilyong pisong national budget?
Ito po ba ay stratehiya ng mga corrupt upang makabuo o makagawa ng multi-trilyong pisong “slush fund”? a blank check for corruption?
Tayong mga ordinaryong mamamayan Kapanalig ang lubhang apektado sa kalokohang ito ng Kongreso na kinukunsente naman ng exucutive branch ng gobyerno…Sa lahat ng unos na likha ng corrupt na sistema ng pamahalaan sa Pilipinas., ang mga karaniwang mamamayan ang laging kawawa, ang pumapasan sa krus na likha ng mga tiwali at ganid na opisyal ng pamahalaan.
Ito ay maituturing na political culture na pinapayagan ang mediocrity at pansiriling interes ng iilan na lalong magkamal ng kayamanan..
“a state sponsored thief”.
Sumainyo ang Katotohanan.