Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Buhay, huwag i-asa sa hula

SHARE THE TRUTH

 201 total views

Hindi nararapat i-asa ng sinuman ang kanilang buhay at kinabukasan sa mga ‘hula’ na walang katotohanan at pawang pagbabakasakali lamang.

Ito ang panawagan ni dating CBCP President at Lingayen Dagupan Archbishop Emeritus Oscas Cruz sa mamamayan na mahilig magpahula para sa pagsisimula ng taon.

Giit ng Arsobispo, sa halip na i-asa at gawing gabay ang mga hula ay mas nararapat gamitin ng bawat isa ang kaloob na kalakasan, karunungan at pambihirang kakayahan na regalo ng Panginoon sa bawat isa.

Paliwanag pa ni Arcbishop Cruz, hindi nararapat paniwalaan at gawing gabay sa buhay ang mga ‘hula’ na wala namang katiyakan sa halip ay mas nararapat paigtingin ang pananampataya na kaloob ng Panginoon na lubos ang pag-ibig sa buong sangkatauhan.

“Ang hula po ay walang tinutungtong katotohanan, kaya nga tinawag na hula yun ay sabi-sabi, tantiya, baka sakali etc. etc. So paano po tayo maniniwala sa baka-sakali at saka tantiya-tantiya, neither here or there kung ganito gagawin mo, ganito ang swerte. So huwag po, meron po tayong kaisipan gamitin natin, meron tayong kalooban gamitin natin, meron tayong kalakasan ng katawan ay gamitin natin at huwag po tayong umasa sa mga hula kundi wala pong mangyayari sa buhay natin…” paalala ni Archbishop Cruz sa panayam sa Radio Veritas.

Matatandaang taong 2012 ng kumalat ang prediksyon sa pagkawasak ng mundo.

Kaugnay nito, inihayag ng Kanyang Kabanalan Francisco na walang tunay na pananampalataya sa Panginoon at sa kanyang mga kaloob ang mga tumatangkilik sa mga manghuhula o fortune tellers na nagsasabi ng huwad na kapalaran ng isang nilalang.

Paliwanag ng Santo Papa, hindi na kinakailangan pa ng mga payo o direksyong dapat sundin ng sinuman upang maging masaya, masagana at makabuluhan ang pamumuhay sa halip ay kinakailangan lamang ang masidhing pananampalataya sa biyayang kaloob ng Panginoong Maykapal sa sangkatauhan.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 80,033 total views

 80,033 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 87,808 total views

 87,808 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 95,988 total views

 95,988 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 111,529 total views

 111,529 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 115,472 total views

 115,472 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

FABC, magtatatag ng Commission for Synodality

 23,607 total views

 23,607 total views Nagkasundo ang Federation of Asian Bishops’ Conferences (FABC) para sa pagtatatag ng isang bagong Commission for Synodality. Pangungunahan ni Filipino Cardinal, Kalookan Bishop

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

“Ang lahat ay tinatawag sa kabanalan.”

 24,279 total views

 24,279 total views Ito ang bahagi ng pagninilay ni Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo sa maagang pagsasagawa ng Apostolic Vicariate of Taytay, Northern Palawan ng Chrism

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top