Bukal ng tubig, bukal ng buhay

SHARE THE TRUTH

 64,157 total views

Mga Kapanalig, ramdam na ramdam natin ang tindi ng summer heat! Kapag summer, talagang masarap maligo at uminom ng pampalamig, mapawi lang ang nararamdaman nating alinsangan at uhaw. Ano pa ba ang gamit nating pampawi ng init at uhaw kundi tubig.

Pero ano na lang ang mararamdaman ninyo kung wala kayong tubig sa gitna ng matinding init ng panahon? 

Iyan ang sitwasyon ngayon ng ilang consumers ng kompanyang PrimeWater sa ilang lugar sa Bulacan at Cavite na madalas mawalan ng suplay ng tubig at hindi naaabutan ng magandang serbisyo. Iniutos na ni Pangulong Bongbong Marcos Jr na imbestigahan ang isyung ito. Sa isang interview, inireklamo ng mga customers ng PrimeWater ang mahaba at mabagal na pila para mag-igib ng tubig. Sa kasalukuyan, iniimbestigahan na ng Local Water Utilities Administration (o LWUA) ang sitwasyon samantalang ang Senado at Kamara ay naghahanda na magsagawa ng sarili nilang imbestigasyon.

Sa kabila ng mga karampatang aksyon ng mga kinauukulan sa sitwasyong ito ng mga customers, nagpasaring pa si Vice President Sara Duterte laban kay PBBM sa di umano’y pamumulitika niya sa pamilya Villar, ang nagmamay-ari ng PrimeWater. Inendorso kasi ng bise presidente si senatorial candidate Camille Villar. Itinanggi naman ng Malacañang ang alegasyong ito.

Nakalulungkot na kahit ang mga lehitimong hinaing ng mga konsyumer para sa kanilang mga batayang pangangailangan gaya ng tubig ay idinadawit pa rin ang pulitika. Ating tandaan na may tungkulin ang pamahalaan nating tiyakin na ang mga pribadong kompanyang nangangasiwa ng mga serbisyong gaya ng tubig ay nagagampanan ang kanilang trabaho para sa mga customers nila.

Sumasang-ayon dito ang panlipunang turo ng Simbahan. Nabanggit ni Pope Paul VI sa Catholic social teaching na Populorum Progressio na sa pagkakataong ang mga pagmamay-ari at negosyo ng isang indibidwal o grupo ay nagdudulot ng kahirapan sa mga tao o hindi nakakatulong sa kabutihang panlahat, nararapat kumilos ang estado upang umayos ang mga ito. Batay sa turo na ito ni Pope Paul VI, dapat nating asahan ang akmang aksyon ng ating pamahalaan. Sa isyu ng kawlaan ng tubig sa mga lugar na sineserbisyuhan ng PrimeWater, dapat lang na imbestigahan ang kompanya.  Baka naman negosyo at kita ang prayoridad, hindi ang maghatid ng tubig sa mga tao.

Ngayong tapos na ang eleksyon, nanalo sana ang mga taong uunahin ang katarungan at kapakanan ng taumbayan, lalo na ng mga hindi nakakákamit ng mga serbisyong dapat inihahatid sa kanila. Hindi pamumulitika—at hindi naman talaga dapat pamumulitika—ang pagpapanagot ng gobyerno sa PrimeWater. Ang sabihing pamumulitika lang ito ay lantarang pagsasawalambahala sa kalagayan ng mga customers na gusto lamang magkaroon ng malinis at sapat na suplay ng tubig sa kanilang mga tahanan, lalo na ngayong mainit ang panahon. 

Samantala, makiisa tayo sa mga customers ng PrimeWater sa pamamagitan ng wastong paggamit ng tubig. Sana ibinoto rin natin ang mga kandidatong ipaglalaban ang karapatan ng mga konsyumer laban sa mga pabaya at gahamang negosyante. Sa ganitong paraan, matitiyak natin na ang kapakanan ng mga mamamayan ay napoprotektahan dahil nakakamit nila ang kanilang mga pangunahing pangangailangan.

Mga Kapanalig, ang malinis na tubig ay biyaya sa atin ng Diyos. Ipinagkaloob niya ito upang ating mapakinabangan at nang lumago pa ang buhay natin. Ating isipin na ang tubig ay tanda ng buhay natin bilang mga tao–sa ating pang-araw-araw na buhay—at bilang mga Kristiyano—sa ating binyag. Pahalagahan natin ang tubig bilang isang espirituwal at natural na biyaya sapagkat, ayon nga sa Juan 4:14, ang bukal ng tubig ay grasya ng Diyos na Siyang nagbibigay-buhay.

Sumainyo ang katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

4Ps ISSUES

 13,605 total views

 13,605 total views Taong 2008 ng ilunsad ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at ganap na naging institutionalized noong 2019 sa pamamagitan ng Republic Act 11310

Read More »

Health emergency dahil sa HIV

 28,249 total views

 28,249 total views Mga Kapanalig, naaalarma ang ating Department of Health (o DOH) sa pagtaas ng kaso ng mga Pilipinong may human immunodeficiency virus (o HIV),

Read More »

Suweldong hindi nakasasabay sa realidad

 42,551 total views

 42,551 total views Mga Kapanalig, nag-adjourn o nagsarado na ang 19th Congress nang hindi niraratipikahan ang isang panukalang batas na layong itaas ang suweldo ng mga

Read More »

K-12 ba ang problema?

 59,253 total views

 59,253 total views Mga Kapanalig, balik-eskuwela na para sa ating mga estudyante sa mga pampublikong paaralan at ilang pribadong eskuwelahan. Kasabay nito ang muling pag-ingay ng

Read More »

HOUSING CRISIS

 105,047 total views

 105,047 total views Magkaroon ng sariling bahay.. ito ang pangarap ng marami sa ating mga Pilipino.. Ika nga, pinapangaral ng mga magulang sa anak na bago

Read More »

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

4Ps ISSUES

 13,606 total views

 13,606 total views Taong 2008 ng ilunsad ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at ganap na naging institutionalized noong 2019 sa pamamagitan ng Republic Act 11310

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Health emergency dahil sa HIV

 28,250 total views

 28,250 total views Mga Kapanalig, naaalarma ang ating Department of Health (o DOH) sa pagtaas ng kaso ng mga Pilipinong may human immunodeficiency virus (o HIV),

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Suweldong hindi nakasasabay sa realidad

 42,552 total views

 42,552 total views Mga Kapanalig, nag-adjourn o nagsarado na ang 19th Congress nang hindi niraratipikahan ang isang panukalang batas na layong itaas ang suweldo ng mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

K-12 ba ang problema?

 59,254 total views

 59,254 total views Mga Kapanalig, balik-eskuwela na para sa ating mga estudyante sa mga pampublikong paaralan at ilang pribadong eskuwelahan. Kasabay nito ang muling pag-ingay ng

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top