Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Cardinal Quevedo, nagpaabot ng pagbati sa kaibigang si Cardinal-elect Advincula

SHARE THE TRUTH

 467 total views

Nagpaabot ng pagbati si Cotabato Archbishop Emeritus Orlando Cardinal Quevedo sa bagong hirang na Cardinal ng Pilipinas na si Cardinal- elect Capiz Archbishop Jose Advincula.

Ayon kay Cardinal Quevedo, isang karangalan din na kanyang personal na natunghayan ang naging paglalakbay ni Cardinal-elect Advincula mula sa kanyang pagtatapos ng pag-aaral sa Roma hanggang sa hirangin ng Kanyang Kabanalan Francisco bilang isang bagong Cardinal ng bansa.

Ibinahagi ni Cardinal Quevedo na mula pa noong-una ay naipamalas na ni Cardinal-elect Advincula ang kanyang tapat at pagsusumikap na maging lingkod ng Panginoon sa pagpapalaganap ng ebanghelyo mula sa pagtuturo sa mga kabataang nagnanais na maging lingkod ng Simbahan sa Vigan School of Theology hanggang sa siya ay maging isang ganap na Obispo ng Diocese of San Carlos at Arsobispo ng Capiz.

“With great joy I extend my personal congratulations to our newest Filipino Cardinal and my good friend, Cardinal Jose Advincula. I was very happy to see him teach at the Vigan School of Theology after he finished his studies in Rome. He returned to Roxas City where he later became a Bishop.”pahayag ni Cardinal Quevedo sa panayam sa Radio Veritas.

Sinabi ni Cardinal Quevedo na napakagandang balita ng pagkakahirang ng Santo Papa Francisco kay Cardinal-elect Advincula upang magsilbi bilang kanyang bagong katuwang at taga-payo sa pamamahala ng Simbahang Katolika sa bansa.

Tiwala rin ang Cardinal na malaki ang maiaambag ng talento, karanasan at karunungan ni Cardinal -elect Advincula upang ganap na maisakatuparan ng Simbahan ang misyon nitong ipalaganap ang Salita ng Diyos sa sangkatauhan.

“I’m even more happy now that the Holy Father has given him the red hat. At 64, he will put his talents to great use for the Church. God bless you, Cardinal Joe! ” Dagdag pa ni Cardinal Quevedo.

Si Cardinal-elect Advincula na mahigit 8-taon ng nagsisilbi bilang Arsobispo ng Capiz ay isa sa labing tatlong iba pa na itinalaga ng Kanyang Kabanalan Francisco bilang mga bagong Cardinal ng Simbahang Katolika.

Sa isang panayam, nagpapasalamat si Cardinal-elect Capiz Archbishop Jose Advincula sa Santo Papa at Panginoon sa ibinigay na panibagong misyon sa pagpapalaganap ng new evangelization.

Read: https://www.veritas846.ph/pagkakatalaga-kay-cardinal-elect-advincula-isang-karangalan-sa-mga-mananampalataya-ng-archdiocese-of-capiz

Bukod sa pagiging katuwang ng Santo Papa sa pangangasiwa ng Simbahan sa iba’t-ibang bansa, ang mga Cardinal din ay nagsisilbi bilang mga opisyal ng Vatican, nagsusuot ng natatanging damit na pula at tinutukoy bilang ‘Kanyang Kabunyian’ o ‘His Eminence’ na nangangahulugang Prinsipe ng Simbahan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang siyensya lamang

 73,522 total views

 73,522 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 105,517 total views

 105,517 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 150,309 total views

 150,309 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Moro-Moro Lamang

 173,256 total views

 173,256 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »

Holiness Is Not Boring

 188,654 total views

 188,654 total views Napakahalaga para sa Simbahang Katolika ang buwan ng Nobyembre, taun-taon ginugunita ng Santa Iglesia ang “All Saint’s Day” o tinatawag na “All Hallows

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

SAC network, naka red alert sa bagyong Uwan

 748 total views

 748 total views Tiniyak ng humanitarian, development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na Caritas Philippines ang pag-antabay at mahigpit na nakikipag-ugnayan

Read More »
Latest News
Jerry Maya Figarola

Laban kontra OSAEC, paiigtingin ng PIMAHT at IJM

 11,806 total views

 11,805 total views Paiigtingin ng Philippine Interfaith Movement Against Human Trafficking (PIMAHT) at International Justice Mission (IJM) ang paglaban sa Online Online Sexual Abuse o Exploitation

Read More »

RELATED ARTICLES

SAC network, naka red alert sa bagyong Uwan

 750 total views

 750 total views Tiniyak ng humanitarian, development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na Caritas Philippines ang pag-antabay at mahigpit na nakikipag-ugnayan

Read More »

SLP, nanawagan ng katarungan sa ICC

 60,471 total views

 60,471 total views Nanawagan ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas (LAIKO) ng katarungan sa gitna ng ulat ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) hinggil sa mga maanomalyaang

Read More »

Walang itinatakwil ang Panginoon

 38,061 total views

 38,061 total views Binigyang-diin ni Tandag Bishop Raul Dael na walang sinuman ang itinatakwil o itinuring na walang pag-asa ng Diyos, maging ang mga Persons Deprived

Read More »

PDL’s, mga anak ng Diyos-Bishop Florencio

 45,000 total views

 45,000 total views Binigyang-diin ni Military Ordinariate of the Philippines Bishop Oscar Jaime Florencio, chairman ng CBCP–Episcopal Commission on Prison Pastoral Care (ECPPC), na kailanman ay

Read More »

Pagiging partisan, itinanggi ng ANIM

 54,455 total views

 54,455 total views Itinanggi ng Alyansa ng Nagkakaisang Mamamayan (ANIM) ang mga kumakalat na maling ulat sa social media na nag-uugnay sa kanilang grupo sa mga

Read More »
Scroll to Top