CBCP, naglabas ng pastoral statement on Peace

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 8,173 total reads

Naglabas ng pastoral statement ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) bilang panawagan para sa kapayapaan sa gitna ng nagpapatuloy na digmaan at tensyon sa Middle East at iba pang bahagi ng mundo.

May titulo ang naturang pastoral statement na “Pastoral Statement on Peace in a Wounded World” na nilagdaan ni CBCP President, Lipa Archbishop Gilbert Garcera.
Inaprubahan ang pahayag sa naganap na pagpupulong ng CBCP Permanent Council noong Mayo 20, 2026 kung saan binigyang-diin ng kalipunan ng mga Obispo ang kahalagahan ng pananalangin, pagkakaisa, at pagsusulong ng diyalogo sa halip na karahasan at digmaan.

Bahagi ng pahayag ang pagpapaalala sa bawat mamamayan na ang kapayapaan ay hindi lamang damdamin kundi isang misyon para sa bawat Kristiyano na maging instrumento ng pagkakasundo at pagmamahalan.

“As violence escalates and tensions deepen, we once again hear the Risen Lord’s words to His disciples: “Peace I leave with you; my peace I give to you” (Jn 14:27). These words of Christ are not mere sentiments. They are a command, a gift, and a mission. In a wounded by hatred, fear, vengeance, and greed, followers of Christ are called to be instruments and channels of peace.” Bahagi ng pahayag ng CBCP.

Binigyang-diin din ng mga Obispo ang matinding epekto ng digmaan sa mga inosenteng mamamayan kabilang ang mga bata, pamilya, matatanda, at mga komunidad na napipilitang lumikas at mawalan ng tahanan dahil sa kaguluhan.

“Violence breeds only more violence. War leaves wounds that endure for generations,” Ayon pa sa pastoral statement ng CBCP.

Nagpahayag rin ng pagkabahala ang CBCP sa epekto ng kaguluhan sa mga Pilipino lalo na sa mga Overseas Filipino Workers sa Middle East at kanilang mga pamilya na nangangamba para sa kaligtasan at kabuhayan ng kanilang mga mahal sa buhay.

Ayon sa CBCP, ramdam din sa bansa ang epekto ng krisis sa pamamagitan ng pagtaas ng presyo ng langis, pagkain, at transportasyon na higit na nagpapabigat sa kalagayan ng mahihirap at bulnerableng sektor ng lipunan.

Hinimok din ng mga Obispo ang mamamayan na maging mapanuri laban sa misinformation, propaganda, at pagkakahati-hati sa lipunan.

“We urge the faithful to resist simplistic narratives, misinformation, hatred, prejudice, an ideological partisanship. The Christian conscience must be formed not by propaganda or social media anger but by the Gospel of Jesus Christ. As Christians, we do not celebrate war. We do not glorify revenge. We do not demonize entire peoples or religions. Instead, we are called to truth, compassion, justice, and the patient work of reconciliation.” Dagdag pa ng CBCP.

Nanawagan din ang mga Obispo sa mga pinuno ng iba’t ibang bansa na pairalin ang diplomasya at diyalogo kaysa paggamit ng dahas at kapangyarihan para sa pansariling interes.

“True greatness is measured not by the capacity to destroy, but by the wisdom to seek peace, protect human life, and uphold the dignity of nations and peoples,” Ayon pa sa CBCP.

Hinimok din ng CBCP ang mga diyosesis, parokya, paaralan, religious communities, at lay organizations na magsagawa ng mga gawain partikular na ang pananalangin para sa kapayapaan, pagtulong sa mga OFW at kanilang pamilya, at pagtataguyod ng pagkakaisa at pakikipag-usap sa iba’t ibang pananampalataya at kultura.

“Let every parish become a sanctuary of prayer and reconciliation. Let every family become a cradle of peace, compassion, and hope,” Panawagan ng CBCP.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

1,2,3 kanya-kanya na!

 13,611 total reads

 13,611 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 94,793 total reads

 94,793 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 189,018 total reads

 189,018 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 249,508 total reads

 249,508 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 262,712 total reads

 262,712 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 17,846 total reads

 17,846 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top