Cardinal Tagle at Bishop Maralit, itinalagang miyembro ng Dicastery fior Communication ng Vatican

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 12,459 total views

Maituturing na mahalagang pagkilala sa ambag ng Simbahang Pilipino sa larangan ng komunikasyon ang pagtatalaga ng tatlong obispong Pilipino bilang miyembro ng Dicastery for Communication ng Vatican.

Kabilang sa mga hinirang ni Pope Leo XIV sina Cardinal Luis Antonio Tagle, pro-prefect ng Dicastery for Evangelization; San Pablo Bishop Marcelino Antonio Maralit; at Guam Archbishop Ryan Jimenez.

Ang pagkakahirang sa tatlong Pilipinong pastol ay nagpapakita ng lumalakas na tinig ng Pilipinas sa pandaigdigang komunikasyon ng Simbahan, partikular sa malawakang ebanghelisasyon sa digital na panahon.

Si Cardinal Tagle ay kilala sa kanyang malawak na karanasan sa global evangelization at pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang kultura, habang si Bishop Maralit ay kasalukuyang namumuno sa Office of Social Communications ng Federation of Asian Bishops’ Conferences na isang mahalagang tanggapan sa paghubog ng komunikasyon ng Simbahan sa Asya.

Samantala, si Archbishop Jimenez, na nakabase sa Agaña, Guam, ay kinikilala sa kanyang pastoral at mga adbokasiya sa komunikasyon sa Pacific region.

Ayon sa Vatican, ang Dicastery for Communication ang nangangasiwa sa kabuuang sistema ng media at komunikasyon ng Simbahan, kabilang ang Vatican News at iba pang plataporma, upang mas epektibong maipahayag ang mensahe ng Ebanghelyo sa buong daigdig.

Bukod sa tatlong Pilipino, kabilang din sa mga bagong miyembro ng dicastery ang ilang kardinal at obispo mula sa iba’t ibang kontinente, patunay sa patuloy na pagsisikap ng Simbahan na palakasin ang ugnayan at komunikasyon sa iba’t ibang kultura at bansa.

Ang pagtatalaga sa tatlong obispong Pilipino ay hindi lamang personal na pagkilala, kundi maituturing din na patunay sa mahalagang papel ng Pilipinas sa misyon ng Simbahan sa makabagong larangan ng komunikasyon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang bayanihan

 89,128 total views

 89,128 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Mga kamay na punô ng dugo

 111,238 total views

 111,238 total views Mga Kapanalig, hindi nakikinig ang Diyos sa mga panalangin ng mga taong nagsisimula ng digmaan. Tinatanggihan Niya ang mga dasal na ito.  Ganito

Read More »

Isa pang state of emergency

 186,050 total views

 186,050 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 183,314 total views

 183,314 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top