Cardinal Tagle, nag-alay ng panalangin at pakikiisa sa mga biktima ng lindol sa Italy

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 446 total reads

Nag-alay ng panalangin si Caritas Internationalis President at Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle para sa mga biktima ng magnitude 6.2 na lindol sa Italy.

Ayon kay Cardinal Tagle, ang trahedya sa Italy ay nagpapaalala partikular na sa mga Pilipino ng matinding pinsala na idinudulot ng lindol lalu’t ang Pilipinas ay maituturing din na malapit sa pagkakaroon ng mga ganitong uri ng kalamidad.

Hinimok ni Cardinal Tagle ang lahat na ipagdasal din ang mga biktima ng lindol at pairalin ang pagiging bukas sa kapwa sa pamamagitan ng pagbabahagi ng tulong at pakikipagkapatiran.

“Tayo po sa Pilipinas ay malimit makaranas ng sakuna, mga bagyo, lindol, kahirapan, kurapsyon at iba’t-iba pang kaguluhan. Bagamat sinasabi natin na sanay na tayo kapag tayo’y nakakakita pa din ng sakuna lalo na sa ibang bansa nayayanig pa rin ang ating puso at ito ang nararamdaman natin ngayon sa nangyari sa Italy. Dahil sa lindol naalala natin na tayo ay magkakapatid,lahat tayo ay vulnerable at kung papaano tayo dinamayan ng buong mundo nung tayo ay nasalanta ng bagyo, sana po tayong mga Pilipino ay marunong din dumamay.”

Hinimok din ni Cardinal Tagle ang lahat ng Pilipino na ipagdasal ang 250-kataong namatay at libu-libong nawalan ng mga bahay sa 6.2 magnitude na lindol.

Hiniling din ng Pangulo ng Caritas Internationalis sa panginoon ang sama-samang pagkilos ng lahat para pangalagaan ang kalikasan.

“Ipagdasal natin ang mga kapatid natin, ang mga namatay at ang mga nawalan ng bahay at ang patuloy pang naghahanap ng kanilang mahal sa buhay sa Italy. Panawagan ko po sa ating lahat na ikonekta natin ang ating isip at puso sa mga kapatid natin sa Italy at ipanalangin natin sila:

“O Diyos, batid mo po ang hinagpis ng mga tinatamaan ng lindol, kami po ay walang kalaban-laban kapag dumating ang mga ganitong sakuna, ang tangi namin pag-asa ay ikaw, kumakapit po kami sa inyo tanggapin mo po sa iyong kaharian ang mga pumanaw, ang mga sugatan at ang nabuhay ay inyo namang hilumin at ang buong mundo nawa ay maantig, sama-sama nawa kaming kumilos para tulungan ang aming mga kapwa at sama-sama din kumilos na alagaan ang kalikasan ito po ay aming hinihiling sa inyo Panginoon, sa ngalan ni Kristo, kaisa ng Espiritu Santo, Amen,”bahagi ng dasal ni Cardinal Tagle.

Sa pinakahuling ulat, umaabot sa 250-katao ang naitalang nasawi sa Italy dahil sa lindol habang mahigit sa 260 ang nasugatan.

Una ng pinangunahan ng kanyang kabanalan Pope Francis ang pagdarasal ng rosaryo sa Vatican kasama ang may mahigit labing isang libong pilgrims at mga turista para sa mga biktima ng lindol.

Kaugnay nito kumikilos na ang samahan ng Caritas Internationalis sa buong mundo para magpadala ng tulong at donasyon sa mga naapektuhang residente.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 98,885 total reads

 98,885 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 133,562 total reads

 133,562 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 157,182 total reads

 157,182 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 193,668 total reads

 193,668 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 205,650 total reads

 205,650 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 102,330 total reads

 102,330 total reads Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top