Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Caritas Manila at Angat Buhay, lumagda ng MOA

SHARE THE TRUTH

 593 total views

Pinagtibay ng Caritas Manila ang pakikipagtulungan sa Non-Government Organization (NGO) na Angat Buhay (Angat Buhay NGO) sa pamamagitan ng contract signing ng Memorandum of Agreement.

Layon ng partnership sa pagitan ng Caritas Manila na palakasin ang mga programa para sa mahihirap katulad ng disaster relief at feeding programs.

Tiwala si Fr. Anton CT Pascual, executive director ng Caritas Manila na maraming mahihirap at mga nagugutom na kabataan ang maliligtas sa pagtutulungan ng social armed ng Archdiocese of Manila at Angat Buhay.

“Alam natin na bagong NGO itong Angat Buhay na kung saan tayo makikipag-ugnayan in raising funds in-cash or in-kind upang tayo ay makalikom ng pondo para sa mga common programs, katulad ng NGO. Malakas tayo sa linkaging at networking, lalu-lalu na sa panahong ito na maraming mga kabataan na kailangan natin iligtas sa lalung madaling panahon.” pahayag ni Fr. Pascual sa Radio Veritas

Inaasahan naman ni Raphael Magno Martin, executive director ng Angat Buhay na sa pakikiisa ng N-G-O sa Caritas Manila ay higit na mapapabilis ang pagtugon sa pangangailangan ng mahihirap na pamilya at mga nasasalanta ng sakuna, bagyo at kalamidad.

“Paulit-ulit na sinasabi sa amin ng aming Chairwoman na si Atty.Leni Robredo na dapat hindi pinapahintay yung ating mga kababayan lalung-lalu na kapag panahon ng sakuna at kalamidad. So ang partnership na ito kasama ng Caritas Manila, matutulungan ang ibat-ibang sektor na maapektuhan ng sakuna at kalamidad sa Pilipinas.” panayam ng Radio Veritas kay Martin.

Sa pamumuno ni dating Vice-president Leni Robredo ay opisyal na itinatag ang Angat Buhay NGO noong Hulyo 2022 upang tugunan ang pangangailangan ng mamamayan sa edukasyon, kalusugan at sa oras ng kalamidad.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Apela sa bagong housing czar

 3,227 total views

 3,227 total views Mga Kapanalig, kasama si dating Secretary Jerry Acuzar ng Department of Human Settlements and Urban Development (o DHSUD) sa mga nagpasa ng courtesy

Read More »

Panagutin naman natin sila

 16,292 total views

 16,292 total views Mga Kapanalig, may mga kababayan tayong ang tingin sa impeachment trial para dinggin ang mga reklamo laban kay Vice President Sara Duterte ay

Read More »

CLIMATE CRISIS

 33,173 total views

 33,173 total views Nakakalungkot Kapanalig, tila hindi natin nauunawaan ang “climate crisis”, o nauunawaan man natin, wala lang tayong pakialam? Ito po ay sitwasyon na nagbabadya

Read More »

NUMERO

 44,595 total views

 44,595 total views Kawawang mga Pilipino, ganito lang tayo tinitingnan ng mga politiko sa panahon ng eleksyon, pagkatapos ng halalan… walang na tayong numero… wala na

Read More »

UNAWAIN AT MAGTIIS

 60,126 total views

 60,125 total views Kapanalig, anumang contingency plans ang gagawin ng pamahalaan sa “Edsa rehabilitation project” sa kalagitnaan ng buwan ng Hunyo, 2025, inaasahan na natin ang

Read More »

SPECIAL ANNOUNCEMENT

One Godly Vote
Simbahan at Halalan - Mid Term Election 2025
Click Here
Jubilee Pilgrimage
Veritas Eucharistic Advocate Pilgrimage
Click Here
Previous slide
Next slide

Related Story

Latest Blogs

Scroll to Top