Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Medical investigation, panawagan ng mga katutubo sa diarrhea outbreak sa Sierra Madre

SHARE THE TRUTH

 723 total views

Kinundena ng mga makakalikasan at katutubong grupo ang kawalang pagkilos ng pamahalaan sa nangyayaring diarrhea outbreak sa mga katutubong pamayanan sa lalawigan ng Rizal at Quezon.

Ayon kay Kakay Tolentino, tagapagsalita ng Network Opposed to Kaliwa, Kanan, and Laiban Dams, kailangan nang magsagawa ng medical investigation at relief operations para sa mga katutubong Dumagat ng Tanay, Rizal at General Nakar, Quezon.

Nananawagan din ang grupo sa administrasyong Marcos para sa agaran at tiyak na pagtugon sa mga katutubong apektado ng nangyayaring outbreak.

“We cannot have a president who prioritizes leisure at a time when the Filipino people are suffering. This Indigenous Peoples’ Month, what we need is a strong commitment to uphold the rights of our indigenous peoples to a safe and healthy environment, and to put a stop to destructive projects taking place in their lands.” pahayag ni Tolentino.

Nagsimula ang diarrhea outbreak sa komunidad ng mga Dumagat sa lalawigan ng Quezon at Rizal sa bahagi ng Sierra Madre matapos ang pananalasa ng Super Typhoon Karding noong Setyembre 25, 2022.

Makaraan ang isang linggo, siyam na Dumagat ang nasawi habang hindi bababa sa 100-katao ang nagkasakit sa katutubong pamayanan.

Itinuturo naman ni Kalikasan People’s Network for the Environment national coordinator Jon Bonifacio na sanhi ng paglaganap ng outbreak ang tinututulang pagtatayo sa Kaliwa Dam.

“With the scale of ecological disruption brought about by big projects such as the Kaliwa Dam, there’s no telling what the downstream effects are in store for local communities. Unfortunately, these may include disease outbreaks, such as this.” ayon kay Bonifacio.

Suportado naman ng Kalikasan PNE ang panawagan para sa medical investigation lalo na’t lubos na ring apektado ng outbreak ang hanapbuhay ng mga katutubo.

Batay sa tala, 33-porsyento ng 14-17-milyong mga katutubo sa Pilipinas ang naninirahan sa bulubundukin ng Sierra Madre kung saan nananahan ang mga Katutubong Dumagat.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Trahedya sa basura

 55,765 total views

 55,765 total views Mga Kapanalig, isang trahedya ang pagguho ng Binaliw landfill sa Cebu City ngayong Zero Waste Month pa naman. Noong ika-8 ng Enero, gumuho

Read More »

Tunay na kaunlaran

 77,541 total views

 77,541 total views Mga Kapanalig, ilang barikada pa kaya ang itatayo ng mga residente ng bayan ng Dupax del Norte sa Nueva Vizcaya upang protektahan ang

Read More »

Huwag gawing normal ang korapsyon

 101,442 total views

 101,442 total views Mga Kapanalig, kasama nating tumawid sa 2026 ang isyu ng korapsyon. Wala pa ring napananagot na malalaking isda, ‘ika nga, sa mga sangkot

Read More »

Kaunlarang may katarungan

 208,952 total views

 208,952 total views Mga Kapanalig, nagdiriwang ang mga vendors ng Baguio City Public Market matapos umatras ang SM Prime Holdings sa planong redevelopment ng pamilihan. Patunay

Read More »

Panalo para sa edukasyon?

 232,635 total views

 232,635 total views Mga Kapanalig, ngayong 2026, naglaan ang pamahalaan ng mahigit isang trilyong piso para sa Department of Education (o DepEd) at mga attached agencies

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Scroll to Top