492 total views
Binatikos ni San Carlos Bishop Gerardo Alminaza ,chairperson ng Church People Workers Solidarity (CWS) ang kawalan ng “clear people-centered vision” ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Tinukoy ng Obispo ang kakulangan ng administrasyong Marcos na tugunan ang mga suliranin na kinakaharap ng ekonomiya na nakaraang 100-araw na pagiging pangulo ng Pilipinas.
Inihalimbawa ng Obispo ang patuloy na tumaas na bilang ng mga walang trabaho, hindi mapigilang pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo, mataas na presyo ng mga pangunahing bilihin, mataas na singil sa pasahe at serbisyo publiko.
“There is power in unity and solidarity. But without a clear people-centered vision and the decisive leadership necessary to take us there, we can only be united in poverty and hunger. We demand no less from the President of the Philippines and his administration. And 100 days without solutions to our country’s urgent needs is 100 days too long.” ayon sa pahayag ni Bishop Alminaza.
Kinundena naman ng Obispo ang labis na pagpapakita ng Pangulong Marcos ng kayamanan sa sunod-sunod na paghahanda ng mga pagsasalo-salo at pagdalo sa mga pagtitipon na walang kaugnayan sa pamamahalan ng Pilipinas.
Apela ni Bishop Alminaza sa pamahalaan ang pagkakaroon ng malinaw na plano para sa ekonomiya higit na para sa sektor ng mga manggagawa matapos muling tumaas sa 2.68-million noong Agosto ang unemployment rate.
“Catholic Social Teaching (CST) understands the positive role of the State as an institution that serves the common good. It acknowledges the right of the State to intervene in the economic order to ensure that the basic needs of the people are addressed.” ayon pa sa pahayag ni Bishop Alminaza.
Ayon din sa datos ng PSA, noong Setyembre, umabot naman sa napakataas na 6.9% ang inflation rate.