Ang Kapakanan ng Maralita ang Dapat Mauna

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 636 total reads

Maraming mga Filipino ang nag-aalinlangan ngayon. Marami ang kinakabahan na sa patuloy na pagbagsak ng piso at sa pagtaas ng bilihin sa ating bayan. Lumiliit na ang buying power ng mga Filipino, nanghihina na rin ang loob ng marami nating kababayan.

Nitong mga nakaraang buwan, maraming mga eksperto na ang nagpayo sa mga mamamayan na maghanda sa posibleng global recession dahil sa pandemya, pagtaas ng inflation rate, pagtaas ng presyo ng langis, food shortage, at ang ayaw tumigil na Russia-Ukraine War.

Napakaraming hamon sa ating ekonomiya kapanalig, at karamihan sa kanila, wala sa ating sphere of control. Ang mga ordinaryong mamamayan tulad natin ay maituturing na  helpless sa patuloy na pagbagal ng ating ekonomiya. Ayon nga sa International Monetary Fund (IMF), maaaring maapektuhan sa darating na 2023 ang ekonomiya ng ating bansa ng mga global shocks dahil maaaring bumaba mula 2.9% tungo sa 2.7% ang global economic growth. Maari umanong bumagal ang economic growth ng bansa  mula 6.5% tungo sa 5%.

Kumpara sa ibang mga bansa, maganda pa rin naman ang performance ng ating ekonomiya kapanalig. Kaya nga lamang, sa bawat pagbagal ng ating ekonomiya, may sektor sa ating lipunan na lagi na lamang natatamaan – ang mga maralita nating kababayan. Sa katunayan, mas mataas ang poverty rate ng ating bansa ngayon kumpara noong 2018. Base sa Preliminary Results of the Family Income and Expenditure Survey (FIES) noong 2021, ang poverty incidence sa ating bansa ay nasa 18.1% percent na. Katumbas ito ng mga 19.99 million Filipinong nabubuhay sa poverty threshold na nasa P12,030 kada buwan para sa pamilyang may limang miyembro. Noong 2018, nasa 16.7% ang ating poverty incidence.

Dahil nga dito, mas maraming mga Filipino ngayon ang dumidiskarte na para lamang madadagdan ang kanilang kita. Hindi na sapat ang isang income stream para sa marami nating mga kababayan. Kailangan nang lagi may ibang raket upang magkasya ang budget sa tahanan. Ano bang magagawa ng pamahalaan upang hindi laging gipit ang mga mamamayan?

Ayon sa isang isang pag-aaral ng World Bank, isa sa mga maaaring gawin ng pamahalaan ay prudent spending – pagtitipid o pagiging masinop sa pag-gasta. Payo din nito ang mas maayos na tax collection at ang epektibong pagtugon sa inflation rate.

Kapanalig, mahihirap maghanap ng kumikitang kabuhayan sa ating bansa kung mabagal ang pagtugon ng pamahalaan sa mga hamon sa ating ekonomiya. Sabi nga sa Economic Justice for All ng the US Catholic Bishops, “Ang obligasyon na magbigay ng katarungan para sa lahat ay nangangahulugan na ang mahihirap ang may nag-iisang pinaka-kagyat na pang-ekonomiyang prayoridad sa budhi ng bansa.”  Kapanalig, bago ang mga leisure travels, bago ang mga party, bago ang pamumulitika, ang kapakanan ng maralita ang siya lagi dapat inuuna ng pamahalaan at lipunan.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 47,565 total reads

 47,565 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 127,327 total reads

 127,327 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 160,774 total reads

 160,774 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 196,072 total reads

 196,072 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 420,776 total reads

 420,776 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

WALANG KAHIHIYAN

 47,566 total reads

 47,566 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 127,328 total reads

 127,328 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 160,775 total reads

 160,775 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 196,073 total reads

 196,073 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »
Scroll to Top