Caritas Manila at Quiapo Church, Tutugon sa panawagang tulong ng Diocese of Lingayen-Dagupan,Tarlac at San Fernando Pampanga

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 496 total views

Umaapela ng tulong at panalangin ang mga Diyosesis na naaapektuhan ng masamang panahon partikular na sa Luzon Region.

Ayon kay Rev. Fr. Estephen Espinosa, Social Action Director ng Archdiocese of Lingayen-Dagupan, ilang mga Munisipalidad sa Pangasinan ang Lubog ngayon sa Baha dahil sa ilang araw na Pag-ulan.

“Currently, may municipalities po tayo na Isolated po talaga because they are low lying and binabaha pa rin as of the moment. Kagaya po ng Dagupan, kung saan po naroroon ang ating Cathedral at saka yung mga malapit na Municipalities katulad ng Calisiao at Sta. Barbara” ani Fr. Espinosa sa Radio Veritas

Sinabi ni Fr. Espinoza na nag-ikot na ang mga kinatawan ng Simbahang Katolika sa mga Evacuation Center at kasalukuyan na rin nagsasagawa ng pagkilos ang Arkidiyosesis para makatulong sa mga apektadong pamilya.

“Kagabi, yung ibang mga Directors po natin ng Social Action naglibot sa kani-kanilang mga Parokya at bumisita po sa Evacuation Centers. May isang Parish kung saan yung Simbahan ay ginawa na rin pong Evacuation Center, isa pong Barangay Parish dito sa may Calasiao.” Ani pa ni Fr. Espinoza.

Kaugnay nito, kumikilos na din ang Diocese ng Tarlac partikular na ang tanggapan ng Caritas Tarlac para makatugon sa pangangailangan ng mga Apektadong Residente.

Ayon kay Fr. Randy Salunga, taga-pamahala ng Caritas Tarlac, Bukas ang kanilang tanggapan para sa ano mang Tulong at Donasyon para sa ating mga kababayan lalo na’t aminado sila na malaking bilang ng mga Pamilya ang naapektuhan sa kanilang lalawigan.

“Una po kami po’y humihingi po talaga ng tulong mula sa ating mga tagapakinig po na kailangang kailangan po talaga namin ang inyong tulong at kung nais niyo pong magpadala ng mga pagkain o kagamitan man po para sa ating mga kababayan na nasalanta po, dito po sa Caritas Tarlac Center sa barangay San Luiz Tarlac City dito po natin ginagawa yung pagtulong natin.” Pahayag ni Fr. Salunga.

Kaugnay nito kasalukuyan na din nagsasagawa ng pagtulong ang Archdiocese of San Fernando sa lalawigan ng Pampanga sa mga Apektadong Munisipalidad ng Macebebe, Masantol, Candaba at Sasmuan habang inaasahan din ang Relief Operation sa Guagua at Apalit.

Tiniyak naman ng Caritas Manila at Quiapo Church ang pagsasagawa ng pagtulong sa mga apektadong Diyosesis.

Magugunitang sa kasalukuyan ay nararanasan ang Epekto ng Bagyong Josie sa Pilipinas kasabay ng patuloy na Epekto ng Habagat.

Ito na ang ikatlong bagyo na pumasok sa bansa sa nakalipas na ilang linggo matapos dumaan ang bagyong Henry at Bagyong Inday.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isa pang state of emergency

 36,719 total views

 36,719 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 36,719 total views

 36,719 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 36,719 total views

 36,719 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 35,508 total views

 35,508 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »

Patibong ng kasamaan

 32,318 total views

 32,318 total views Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 68,778 total views

 68,778 total views Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top