172 total views
Tila hindi itinuturing ng Pangulong Rodrigo Duterte bilang tao ang mga biktima ng ‘drug related killings’.
Ito ang reaksyon ni CBCP Vice President Caloocan Bishop Pablo Virgilio David sa naging pahayag ng Pangulo sa kaniyang ikatlong State of the Nation Address o SONA.
“He said while Church and Human rights Advocates are ‘Concerned about human rights,’ he is ‘Concerned about human lives.’(Is not the right to life the most basic human right?) Such a Statement implies that the victims of drug-related killings are NOT HUMAN LIVES!,” pahayag ni Bishop David sa kaniyang facebook post.
Paliwanag ni Bishop David, ang buhay ang pangunahing karapatan ng bawat tao.
Paglilinaw pa ng obispo, walang sinuman maging ang Simbahan at Human rights Advocate na pumapayag na hayaan ang pagkalat ng ilegal na droga sa Bansa.
“Isn’t it obvious that they are also Victims, and that they also need to be saved, not killed? The fight against illegal drugs must indeed be Relentless, but the Killings—either by the Police or by Masked vigilantes—must be stopped! This will remain as our Stubborn and Relentless Plea,” ayon pa kay Bishop David.
Binigyan-diin ng Obispo na ang mga pinatay na Drug Users ay biktima din ng droga na dapat ding bigyang tuon ng Gobyerno.
Sa pinakahuling ulat, higit na sa 20,000 ang mga napapatay na may kinalaman sa ‘anti-drug campaign’ ng Pamahalaan.
Naninindigan ang simbahang katolika na hindi ang pagpaslang kundi ang pagpapanibago sa mga nalulong sa Bisyo ang dapat na maging tugon sa malawakang Problema sa ilegal na droga sa Bansa.
Bukod sa mga drug based Community Rehabilitation, nagtayo na rin ang Archdiocese of Manila ng Recovery and Rehabilation Center para sa mga magtatapos ng 6 month Community based Rehabilitation at para sa tuloy-tuloy na paggaling ng mga lulong sa ipinagbabawal na gamot.