Kasong grave threat laban kay VP Duterte, pinakamadaling patunayang kaso sa impeachment trial

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 7,964 total reads

Iginiit ng House Prosecution Panel na ang Article IV ng Articles of Impeachment o grave threat, ang pinakamadaling patunayang kaso laban kay Vice President Sara Duterte.

Sa panayam ng Veritas Pilipinas, sinabi ni dating Rep. Robert Ace Barbers at kasalukuyang tagapagsalita ng House Prosecution Panel, ito ay dahil ang ebidensya ay nanggaling mismo sa Pangalawang Pangulo.

Ipinaliwanag ni Barbers na ang video ng online media briefing ni Vice President Duterte noong Nobyembre 23, 2024, na kumalat sa social media at madaling napanood ng publiko, ang nagsisilbing pangunahing ebidensya upang patunayan ang alegasyon ng grave threats o pagbabanta sa buhay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First-Lady Liza Marcos at dating House Speaker Martin Romualdez.

“And we feel and we believe na ito po ang pinakamadaling i-prove o ipruweba dahil ang ebidensya mismo ay galing po mismo sa respondent. Ang aming pong paglalatag ng ebidensya dito ay gaya po nung ginawa namin nung day 2, yung mismong video na kung saan ay kumalat sa buong social media platforms dito sa ating bansa, naging very accessible po ito sa ating mga kababayan. At ito po ang ginamit namin bilang ebidensya na magpapatunay na yung mga pambabanta o yung grave threats na nangyari, may katotohanan dahil ang ebidensya ay itong video na kung saan ang mismong pangalawang Pangulo ang siyang nagsasalita,” Ayon kay dating Surigao Del Norte Rep. Robert Ace Barbers-ang kasalukuyang tagapagsalita ng House Prosecution Panel.

Bukod sa Article lV na tumatalakay sa Betrayal of Public Trusts, Grave Threats at Inciting to Sedition, kabilang sa mga articles of impeachment ang Article 1 -o ang Culpable Violation of the Constitution na tumutukoy sa maling paggamit ng confidential at intelligence funds ng Office of the Vice President at Department of Education.

Article ll Betrayal of Public Trust at Graft and Corruption -ang iregularidad sa paggamit ng confidential funds, kabilang ang mga kwestyonableng resibo, liquidation documents at paggasta ng condo.

At ang Article lll-ang Betrayal of Public Trust, Bribery, Graft and Corruption at iba pang high crimes dahlia sa pang-aabuso sa kapangyarihan.

Sa hiwalay na pahayag, iginiit nanan ni House Prosecution legal spokesperson Atty. Jay Tolosa Jr., hindi nababago ng anumang konteksto ang bigat ng pahayag ng Bise Presidente, kahit pa igiit ng depensa na ito ay may kondisyon.

Binigyang-diin ni Tolosa na ang batayan ng prosekusyon ay ang mismong pahayag ni Duterte na sinasabing nakipagkasundo siya sa isang mamamatay-tao upang ipapatay ang Pangulo, First-lady at dating pinion ng Kamara.

Sa ikatlong araw ng paglilitis sa Senate Impeachment Court, pinagtibay sa testimonya ng unang testigo ng prosekusyon na si National Bureau of Investigation Senior Agent John Mark Calilung ang pagiging tunay ng video ng online media briefing ni Duterte at iniharap din ang mga opisyal na pahayag ng Philippine National Police, Armed Forces of the Philippines, National Security Council at iba pang ahensya ng pamahalaan upang ipakita na ang naturang mga pahayag ay nagbunsod ng pormal na imbestigasyon at mga hakbang sa seguridad ng pamahalaan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 42,479 total reads

 42,479 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 139,880 total reads

 139,880 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 184,149 total reads

 184,149 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 207,258 total reads

 207,258 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 280,533 total reads

 280,533 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top