The Pursuit of Justice Must Continue Beyond the Headlines, paalala ni Bishop Bagaforo sa mamamayang Pilipino

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,037 total views

Nanawagan si Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, convenor ng InterReligious Leaders’ Council for National Transformation (IRLCNT), na ipagpatuloy ang pagsusulong ng pananagutan sa iba’t ibang usapin ng katiwalian sa bansa at huwag hayaang matabunan ito ng nagpapatuloy na impeachment proceedings.

Sa inilabas na pahayag ng Obispo na may titulong “The Pursuit of Justice Must Continue Beyond the Headlines,” sinabi ni Bishop Bagaforo na siya ring chairperson ng CBCP-Episcopal Commission on Interreligious Dialogue na positibong hakbang ang pagpapatuloy ng proseso ng impeachment bilang patunay na gumagana ang mga demokratikong institusyon at umiiral ang rule of law sa bansa.

Ayon sa Obispo ang pag-usad ng impeachment trial laban sa bise presidente ay isa ring patunay na walang sinuman ang dapat na mas mataas sa batas at ang bawat lingkod bayan ay may pananagutan sa tiwalang ipinagkaloob ng sambayanan.

“Whatever one’s political position may be, we are grateful that constitutional processes are being allowed to take their course. This reminds us that in a democracy, no one is above the law and accountability remains essential to preserving public trust,” Bahagi ng pahayag ni Bishop Bagaforo.

Gayunman, iginiit ni Bishop Bagaforo na hindi dapat mawala sa pansin ng publiko ang iba pang mahahalagang usapin ng katarungan, partikular ang mga alegasyon ng katiwalian sa mga flood control projects.

Hinimok din ng Obispo ang Office of the Ombudsman na agad isulong ang pagsasampa ng mga kaso laban sa mga sangkot sa umano’y anomalya matapos lumitaw ang mga seryosong alegasyon sa mga isinagawang imbestigasyon sa Kongreso.

“We urge the Office of the Ombudsman to immediately pursue the filing of cases against those implicated in the alleged corruption surrounding flood control projects. Congressional investigations have already uncovered serious allegations and identified personalities who must now face the proper legal processes. The Filipino people deserve to see that those who misuse public funds are held accountable.” Dagdag pa ni Bishop Bagaforo.

Nanawagan din si Bishop Bagaforo kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ihayag sa nalalapit na State of the Nation Address (SONA) ang mga kongkretong hakbang na ginawa ng administrasyon laban sa mga responsable sa katiwalian sa flood control projects sa bansa.

“We likewise call on President Ferdinand Marcos Jr. to report, in his forthcoming State of the Nation Address, the concrete actions his administration has taken against those responsible for these anomalies. During his previous SONA, the President vowed to go after those who stole funds intended to protect our communities from devastating floods. The nation now awaits tangible results from that commitment.” Ayon pa kay Bishop Bagaforo.

Kasabay nito, iginiit din ng Obispo na hindi rin dapat maantala ang iba pang mga usapin ng pananagutan kabilang ang pagpapatupad ng mga legal na proseso kaugnay ng arrest warrants ng International Criminal Court (ICC), mga imbestigasyon sa umano’y obstruction of justice, at ang mga hindi pa nareresolbang isyu kaugnay ng Pharmally procurement noong panahon ng COVID-19 pandemic.

Paliwanag ni Bishop Bagaforo, ang katiwalian ay isa sa pinakamabigat na pagtataksil sa tiwalang ipinagkakaloob ng taumbayan sa mga pinuno ng bansa kaya naman naaangkop lamang na mapanagot ang lahat ng mga sangkot sa katiwalian sa kaban ng bayan.

“Corruption remains one of the gravest betrayals of public trust. Every peso stolen from flood control projects, health services, education, and other basic needs deprives countless Filipinos—especially the poor and vulnerable—of the protection and dignity they deserve. Our nation cannot move forward if impunity continues to prevail.” Ayon pa kay Bishop Bagaforo.
Samantala muli ring hinikayat ng Obispo ang mga Pilipino na manatiling mapagbantay at makilahok sa pagsusulong ng mabuting pamamahala sa bansa.
Ayon kay Bishop Bagaforo, mahalagang manatiling aktibo at alerto ang bawat mamamayan sa pakikisangkot at pananawagan para sa katarungan, pananagutan, at katapatan ng mga lingkod ng bayan.

“We therefore call upon our fellow Filipinos to remain mapagmasid, makialam, at kumilos. Let us continue to demand justice, accountability, and fairness from all public officials, regardless of political affiliation or position. The work of nation-building requires an active citizenry that refuses to normalize corruption and insists that the truth prevail.” Ani Bishop Bagaforo.

Pagbabahagi ng Obispo, tanging sa pamamagitan ng tunay na pananagutan maibabalik ang tiwala ng mamamayan sa pamahalaan at maisusulong ang isang lipunang nakabatay sa katotohanan, katarungan, at kabutihang panlahat o common good.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ibinasurang paraiso

 3,992 total views

 3,992 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 32,343 total views

 32,343 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 100,073 total views

 100,073 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 123,224 total views

 123,224 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 193,132 total views

 193,132 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top