Samantalahin ang paglalakbay ng pilgrim image ng Our Lady of Guadalupe, paanyaya ni Bishop Bagaforo sa mananampalataya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 5,014 total views

Hinikayat ni Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo ang mga mananampalataya na salubungin nang buong pananampalataya ang paglalakbay ng pilgrim image ng Our Lady of Guadalupe sa iba’t ibang arkidiyosesis at diyosesis sa bansa.

Sinabi ng obispo, na siya ring spiritual director ng Our Lady of Guadalupe Philippine Pilgrimage 2026, na samantalahin ang pagkakataong ito bilang panahon ng biyaya, panalangin, at espirituwal na pagbabago.

Binigyang-diin ni Bishop Bagaforo na hindi dapat palampasin ng mga mananampalataya ang natatanging pagdalaw ng Mahal na Ina sa kani-kanilang lugar.

“As Our Lady of Guadalupe graciously visits the Arch/Dioceses of the Philippines, let us not allow this extraordinary moment of grace to pass us by.”

Hinikayat ng obispo ang bawat mananampalataya na lumapit sa Mahal na Birhen nang may matatag na pananampalataya, idulog ang kanilang mga panalangin sa pamamagitan ng kaniyang makapangyarihang pamamagitan, at ipagkatiwala sa kaniya ang kanilang mga pamilya at ang buong sambayanan.

“Come before her with faith, pray through her loving and powerful intercession, and entrust to her our families and our beloved country.”

Ayon kay Bishop Bagaforo, ang paglalakbay ng pilgrim image ay hindi lamang pagpapakita ng malalim na debosyon sa Mahal na Birhen kundi paanyaya ring higit pang mapalapit kay Hesukristo.

“May she lead us to her Son, Jesus Christ, and obtain for us the healing, conversion, hope, peace, and renewal that our nation so deeply needs.”
Muli ring ipinagkatiwala ng obispo ang Pilipinas sa pagkalinga ng Mahal na Birheng Maria.

Ang anim na buwang paglalakbay ng pilgrim image ng Our Lady of Guadalupe sa Pilipinas ay bahagi ng paghahanda ng Simbahan para sa paggunita ng ika-500 anibersaryo ng mga aparisyon ng Mahal na Birhen kay San Juan Diego sa Tepeyac, Mexico na gugunitain sa 2031.

Inaasahang bibisitahin ng pilgrim image ang mahigit 50 katedral, dambana, at mga parokya sa buong bansa bilang paanyaya sa mas malalim na pananampalataya, pananalangin, at pagbabalik-loob kay Kristo sa pamamagitan ni Maria.

Kasalukuyang nasa Archdiocese of Cagayan de Oro ang imahe matapos ang tatlong araw na pagbisita sa Misamis Occidental kung saan isa ito sa mga naging tampok na pagdiriwang sa pagtitipon ng mga obispo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ibinasurang paraiso

 3,783 total views

 3,783 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 32,134 total views

 32,134 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 99,864 total views

 99,864 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 123,015 total views

 123,015 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 192,941 total views

 192,941 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top