165 total views
Umaapela ng tulong at panalangin ang mga Diyosesis na naaapektuhan ng masamang panahon partikular na sa Luzon Region.
Ayon kay Rev. Fr. Estephen Espinosa, Social Action Director ng Archdiocese of Lingayen-Dagupan, ilang mga Munisipalidad sa Pangasinan ang Lubog ngayon sa Baha dahil sa ilang araw na Pag-ulan.
“Currently, may municipalities po tayo na Isolated po talaga because they are low lying and binabaha pa rin as of the moment. Kagaya po ng Dagupan, kung saan po naroroon ang ating Cathedral at saka yung mga malapit na Municipalities katulad ng Calisiao at Sta. Barbara” ani Fr. Espinosa sa Radio Veritas
Sinabi ni Fr. Espinoza na nag-ikot na ang mga kinatawan ng Simbahang Katolika sa mga Evacuation Center at kasalukuyan na rin nagsasagawa ng pagkilos ang Arkidiyosesis para makatulong sa mga apektadong pamilya.
“Kagabi, yung ibang mga Directors po natin ng Social Action naglibot sa kani-kanilang mga Parokya at bumisita po sa Evacuation Centers. May isang Parish kung saan yung Simbahan ay ginawa na rin pong Evacuation Center, isa pong Barangay Parish dito sa may Calasiao.” Ani pa ni Fr. Espinoza.
Kaugnay nito, kumikilos na din ang Diocese ng Tarlac partikular na ang tanggapan ng Caritas Tarlac para makatugon sa pangangailangan ng mga Apektadong Residente.
Ayon kay Fr. Randy Salunga, taga-pamahala ng Caritas Tarlac, Bukas ang kanilang tanggapan para sa ano mang Tulong at Donasyon para sa ating mga kababayan lalo na’t aminado sila na malaking bilang ng mga Pamilya ang naapektuhan sa kanilang lalawigan.
“Una po kami po’y humihingi po talaga ng tulong mula sa ating mga tagapakinig po na kailangang kailangan po talaga namin ang inyong tulong at kung nais niyo pong magpadala ng mga pagkain o kagamitan man po para sa ating mga kababayan na nasalanta po, dito po sa Caritas Tarlac Center sa barangay San Luiz Tarlac City dito po natin ginagawa yung pagtulong natin.” Pahayag ni Fr. Salunga.
Kaugnay nito kasalukuyan na din nagsasagawa ng pagtulong ang Archdiocese of San Fernando sa lalawigan ng Pampanga sa mga Apektadong Munisipalidad ng Macebebe, Masantol, Candaba at Sasmuan habang inaasahan din ang Relief Operation sa Guagua at Apalit.
Tiniyak naman ng Caritas Manila at Quiapo Church ang pagsasagawa ng pagtulong sa mga apektadong Diyosesis.
Magugunitang sa kasalukuyan ay nararanasan ang Epekto ng Bagyong Josie sa Pilipinas kasabay ng patuloy na Epekto ng Habagat.
Ito na ang ikatlong bagyo na pumasok sa bansa sa nakalipas na ilang linggo matapos dumaan ang bagyong Henry at Bagyong Inday.