House prosecution, ipinapa-subpoena si Atty. Zuleika Lopez at NBI Director sa Senate impeachment Court

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 7,401 total reads

Hiniling ng House prosecution panel sa Senate Impeachment Court na maglabas ng subpoena laban kay Atty. Zuleika Lopez, chief of staff ni Vice President Sara Duterte, upang humarap bilang testigo sa impeachment trial.

Ayon sa prosekusyon, mahalaga ang testimonya ni Lopez sa pagpapatibay ng Article IV ng Articles of Impeachment, na tumutukoy sa grave threats laban kina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos, at dating House Speaker Martin Romualdez.

Bukod sa pagbibigay ng testimonya, inaasahan ding makatutulong si Lopez sa pagtukoy at pagpapatunay sa mga dokumento at iba pang ebidensyang ihaharap ng prosekusyon sa impeachment court.

Bukod kay Zuleika, nais ding ipa-subpoena ng prosecution panel National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag.

Inaasahang ilalahad ni Matibag ang resulta ng imbestigasyon ng NBI kaugnay ng mga pahayag ng Bise Presidente, kabilang ang mga ebidensyang nakalap at ang naging batayan ng ahensya sa pagsasagawa ng pormal na imbestigasyon.

Ayon pa sa House prosecutors, makatutulong din ang NBI Director sa pagpapatunay sa mga dokumento at digital evidence na ihaharap sa impeachment court.

Sa pahayag, nais ng prosekusyon na dumalo si Zuleika at Matibag sa mga pagdinig na nakatakda sa July 13, 14, at 15.

Sakaling pahintulutan ng impeachment court ang kahilingan, magiging pangunahing testigo sina Zeleika at Matibag ng House prosecution sa pagtalakay ng Article IV ng Articles of Impeachment.

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 13,985 total reads

 13,985 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »

Sacred music, mahalaga sa liturgy

 16,313 total reads

 16,313 total reads Binigyang-diin ni Pope Leo XIV ang mahalagang papel ng sacred music sa liturhiya, partikular sa Banal na Misa, bilang tulong upang higit na

Read More »

Mga sakristan, pinaalalahanan ni Bishop Gaa

 33,748 total reads

 33,748 total reads Pinaalalahanan ni Novaliches Bishop Roberto Gaa ang mga sakristan na huwag ituring na simpleng ritwal o pagsunod sa mga alituntunin ang kanilang paglilingkod

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

1,2,3 kanya-kanya na!

 2,611 total reads

 2,611 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 84,452 total reads

 84,452 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 178,677 total reads

 178,677 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 239,166 total reads

 239,166 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 252,946 total reads

 252,946 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top