COVID-19 virus, hindi nawala sa Pilipinas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 9,538 total reads

Nilinaw ng Infectious Disease Specialist na si Dr. Rey Salinel Jr. na hindi tamang sabihing ‘nagbalik’ ang COVID-19 sa gitna ng naitalang pagtaas ng bilang ng mga kaso ng sakit sa Quezon City, sapagkat hindi naman tuluyang nawala ang COVID-19 sa Pilipinas at sa iba pang bahagi ng mundo.

Sa panayam sa programang Veritas Pilipinas, ipinaliwanag ni Dr. Salinel na bumaba lamang ang bilang ng mga kaso ng COVID-19 dahil sa mas malawak na proteksiyong dulot ng pagbabakuna at iba pang hakbang para sa pampublikong kalusugan.

“Hindi po nagbalik, hindi naman po talaga nawala po yung COVID o SARS-CoV-2 dito sa Pilipinas o sa buong mundo. Pwede pong gamiting word na humupa lamang po yung mga kaso dahil sa mga proteksyon na meron na po tayo, sa kadahilanan na nagkaroon na tayo ng mga bakuna nitong 2021.” Bahagi ng pahayag ni Dr. Salinel sa Radyo Veritas.

Ayon sa espesyalista, malaking bahagi ng pagbaba ng mga kaso ang malawakang pagbabakuna na isinagawa noong 2021, na nakatulong upang mabawasan ang malulubhang kaso ng sakit.

Ipinaalala rin ni Dr. Salinel na bagama’t idineklara ng World Health Organization (WHO) na kontrolado na ang pandaigdigang pagkalat ng COVID-19, hindi ito nangangahulugan na tuluyan nang nawala ang virus.

“Nagkataon lang po talaga na nag-declare ang WHO na somehow ay na-control na po natin yung paglaganap po ng COVID pero hindi po ito nawala, nandito pa rin po ito sa mundo. Dagdag pa ni Dr. Salinel.

Dahil dito, hinikayat ni Dr. Salinel ang publiko na manatiling maingat at ipagpatuloy ang mga kinakailangang hakbang upang maprotektahan ang sarili at ang komunidad laban sa COVID-19 at iba pang nakahahawang sakit.

Batay sa datos ng Quezon City Epidemiology and Surveillance Division (CESD), tumaas sa 84 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 mula ika-11 ng Hunyo, 2026 hanggang unang araw ng Hulyo, 2026 mula sa 23 kaso na naitala noong ika-21 ng Mayo, 2026 hanggang ika-10 ng Hunyo, 2026 kaya umabot na sa 146 ang kabuuang kaso sa lungsod ng Quezon City ngayong 2026.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 230,564 total reads

 230,564 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 262,295 total reads

 262,295 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 364,119 total reads

 364,119 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 404,682 total reads

 404,682 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 415,870 total reads

 415,870 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top