Walang silbi ang pagbabawal sa death penalty kung nagpapatuloy ang kultura ng karahasan at pamamaslang

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 9,311 total reads

Binigyang-diin ni Divine Word Missionary priest at 2025 Ramon Magsaysay Awardee Rev. Fr. Flaviano Antonio “Flavie” Villanueva, SVD na hindi sapat ang kawalan ng batas na nagpapahintulot sa capital punishment sa bansa kung nagpapatuloy naman ang kultura ng karahasan sa lipunan.

Sa programang Barangay Simbayanan sa Radyo Veritas ay ibinahagi ni Fr. Villanueva na bagama’t walang umiiral na batas sa Pilipinas na nagpapataw ng death penalty ay nasaksihan pa rin ng publiko ang pag-usbong ng kultura ng pamamaslang noong panahon ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon sa Pari na siya ring Founder at President ng Arnold Janssen Kalinga Foundation at Program Paghilom, magpahanggang sa ngayon ay nararanasan pa rin sa lipunan ang epekto ng kultura ng pagpaslang na nagsimula sa ilalim ng administrasyong Duterte.

“Wala man sa ating batas ang capital punishment pero nakita naman natin kung paano nagsimula sa panahon ni [dating Pangulong Rodrigo] Duterte ang pagpapapatay as a Mayor, as a President and the culture is lingering and is very much affecting us as we speak.”

Bahagi ng pahayag ni Fr. Villanueva Radyo Veritas.

Iginiit ni Fr. Villanueva na higit sa pagkakaroon o kawalan ng batas ay mas mahalaga ang pagkakaroon ng mga pinunong may integridad at handang ipatupad ang mga alituntuning nakabatay sa dignidad ng tao at sa mga pagpapahalaga na itinuturo sa Ebanghelyo.

“Hindi kailangan na may batas, dapat mayroong matinong mga tao na handang magpatupad at hadlangan ang anumang batas na komukontra sa Ebanghelyo, otherwise tuloy lang at magpapatuloy lang kung anong laway at anong nais ng lideratong baluktot.” Dagdag pa ni Fr. Villanueva.

Binigyang-diin din ng Pari na kinakailangang manaig ang pamumunong nakabatay sa katotohanan, katarungan, at paggalang sa buhay upang hindi na maipagpatuloy ang anumang uri ng karahasang sumasalungat sa mga turo ng Simbahan.

Pagbabahagi ni Fr. Villanueva, napapanahon ang prayer intention ng Kanyang Kabanalan Pope Leo XIV ngayong buwan ng Hulyo upang muling bigyang diin ng punong pastol ng Simbahan ang paggalang at pagngangalaga sa buhay at dignidad ng tao sa lahat ng yugto nito.

Matatandaang inilaan ni Pope Leo XIV ang kanyang prayer intention ngayong buwan ng Hulyo para sa pagtataguyod sa dignidad ng bawat tao, lalo na sa gitna ng iba’t ibang banta sa buhay at paglabag sa karapatang pantao sa iba’t ibang bahagi ng daigdig.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 230,630 total reads

 230,630 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 262,361 total reads

 262,361 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 364,185 total reads

 364,185 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 404,748 total reads

 404,748 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 415,933 total reads

 415,933 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top