Mabilis na paglipat ng Oriental Mindoro sa renewable energy, panawagan ng Diocese of Calapan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 8,741 total reads

Nanawagan si Fr. Edwin Gariguez, social action director ng Diyosesis ng Calapan, na pabilisin ang paglipat ng Oriental Mindoro sa renewable energy upang matugunan ang mataas na singil sa kuryente at madalas na brownout sa lalawigan.

Sa inilabas niyang pag-aaral na Powering a Province in the Dark: Oriental Mindoro’s Energy Paradox and the Urgent Case for a Renewable Future, sinabi ni Fr. Gariguez na umaabot sa tinatayang 310 milyon hanggang 376 milyong piso ang buwanang ibinabayad ng mga konsyumer sa kuryente sa kabila ng hindi matatag na suplay.

Ayon sa pari, mahigit 73 porsiyento ng suplay ng kuryente ng Oriental Mindoro Electric Cooperative (ORMECO) ay mula sa diesel-fired generation, na mas mahal kaysa renewable energy.

“The implication is difficult to ignore: Mindoreños are paying premium prices for electricity generated from some of the most expensive energy sources available,” pahayag ni Fr. Gariguez.

Binigyang-diin ni Fr. Gariguez na tinatayang 320 beses na mas mataas ang renewable energy potential ng Mindoro kaysa sa inaasahang peak electricity demand ng lalawigan ngayong 2025.

“Renewable energy is no longer simply an environmental option. It has become the most practical economic solution available,” ayon sa pari.

Ibinahagi rin ni Fr. Gariguez na gumagamit na ng rooftop solar systems ang ilang komunidad ng mga Mangyan at mga parokya bilang bahagi ng pagsusulong ng ecological conversion at climate justice.

Iginiit ng pari na dapat umasa ang kinabukasan ng Oriental Mindoro sa malinis na enerhiyang nagmumula sa araw, hangin, at mga ilog sa halip na sa inaangkat na diesel fuel.

“The future of Mindoro need not be powered by imported, expensive and dirty energy. It can be powered by the sunlight that bathes its mountains, the winds that sweep across its coasts, the rivers that descend from Mt. Halcon, and the collective determination of its people,” giit ni Fr. Gariguez.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 230,624 total reads

 230,624 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 262,355 total reads

 262,355 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 364,179 total reads

 364,179 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 404,742 total reads

 404,742 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 415,927 total reads

 415,927 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 143,327 total reads

 143,327 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top