2,135 total views
Idinaos ng Caritas Manila ang ‘Isang Pasasalamat: Agape 2023’ na handog sa mga kaagapay ng Social Arm ng Archdiocese of Manila sa pagtulong sa mga mahihirap.
Ito ay ginanap sa Arzobispado de Manila sa Intramuros City kung saan dumalo ang may 100-individual donors, mga kinatawan ng ahensya at kompanya na katulong ng Caritas Manila sa pagtulong sa pangangailangan ng mga mahihirap.
Lubos na nagpasalamat si Father Anton CT Pascual – Executive Director ng Caritas Manila at Pangulo ng Radio Veritas sa mga donors dahil narin sila ang dahilan kung bakit nailulunsad ng Social Arm ang lahat ng kanilang mga programang tumutugon sa mahihirap, may sakit at pinakanangangailangan sa lipunan.
“Nagpapasalamat tayo sa lahat ng mga sumusuporta sa Caritas Manila at programs for the poor ng ating church NGO na nangunguna sa social services and development program ministry programs at ang ating misyon programs sa education, health, livelihood, restorative justice and volunteer management na nagpapalakas ng hanay ng ating social development program in behalf of the poor and the marginalized,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Father Pascual.
Mensahe naman ni Genevie Balava na walong taon ng individual donor ng Caritas Manila ang patuloy na paghahandog ng donasyon incash o inkind upang mapabuti ang kalagayan ng mga mahihirap.
“Sa mga nakakatanggap po ng aming mga munting mga handog sa mga mahihirap na benefeciaries na aming mga tulong sana po ito ay nakaka-alleviate po ng inyong buhay at sana po ay maging tulay po ito ng pagbabago para sa mas magandang kinabukasan ng buhay,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Banava.
Sa datos ng Caritas Manila noong 2022, umabot sa 2-bilyong piso ang nailaang pondo sa pagitan ng March 2020 hanggang December 2021.
Ito ay ginamit bilang pondo sa pagtugon sa pangangailangan ng mga mamamayang lubhang naapektuhan ng pandemyat mga natural na kalamidad na nawalan din ng trabaho, kasabay ng COVID-19 response ng CM at pagkumpuni sa mga nasirang simbahan ng bagyong odette.