PASIMBA, paiigtingin ng Archdiocese of Manila

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 5,114 total views

Tiniyak ng Manila Archdiocesan Ministry for Labor Concern (RCAM-AMLC) ang patuloy na pagtulong sa mga manggagawa sa pamamagitan ng ibat-ibang programa at pamamaraan.

Ito ang mensahe ni Father Erik Adoviso – Minister ng RCAM-AMLC sa pagdiriwang ngayong araw ng labor day upang higit na mailapit ang simbahan at matulungan ang mga manggagawa.

Ayon sa Pari, nagpapatuloy ngayong ang Paralegal ng simbahan o PASIMBA kung saan nagdaraos ng mga seminars at programang itinuturo sa mga manggagawa ang kanilang mga karapatan at batas na maaring magamit upang maiwasan ang pagmamalabis at malaman ang kanilang mga karapatan.

Gayundin ang paglalapit ng RCAM-AMLC sa mga manggagawa sa mga oportunidad na magkaroon ng trabaho o bagong kabuhayan na matapos mawalan o matanggal sa kanilang trabaho ang mga manggagawa.

“Ganun pa rin naman ang issue ng mga manggagawa: ang pwedeng swelduhin ng isang pangkaraniwang manggagawa. Yun lang naman ang panawagan ng mga manggagawa sa atin, lalong-lalo na yung mga manggagawang nasa laylayan ng lipunan. Sana matapos na rin ang contractualization at gawing regular ang mga contract workers natin. Karapatan ng bawat manggagawa ang disenteng sahod at seguridad sa trabaho,” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Father Adoviso.

Sa pagdiriwang ng Labor Day ay tiniyak din ni ni Father Adoviso ang pananatili ng pakikibaka kung saan sinasamahan ng simbahan ang mga manggagawa sa pag-apela nang mas maayos na buhay sa pamahalaan.

Ilan sa mga ito ay ang pagsama sa mga manggagawa sa patuloy na panawagan na isulong ang nakakabuhay na suweldo na ayon sa mga pag-aaral ng Ibon Foundation, ngayon ay umaabot na sa hanggang 1,200 ang living minimum wage kada araw upang masuportahan ng mga manggagawa ang kanilang mga pamilya.

“Wala nang kakayahang bumili ang mga pangkaraniwang Pilipino dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Kaya nananawagan tayo na magkaroon ng kontrol ang gobyerno sa presyo ng langis at mga pangunahing bilihin. Sana ay mapag-aralan na rin kung paano wawakasan o maire-repeal ang Oil Deregulation Law. Ito ang mga hamon na patuloy na kinakaharap ng mga manggagawa ngayon,” ayon pa sa panayam ng Radyo Veritas kay Fr.Adoviso.

Gayundin ang patuloy na pagsama ng simbahan at nang RCAM-AMLC sa mga manggagawa upang umapela ng pantay na mga benepisyo at malayang pagkilos katulad ng pagbuo ng union upang mapalakas ang collective bargaining agreement sa pagitan ng mga manggagawa at kanilang mga employers.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang fourth estate

 42,424 total views

 42,424 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 86,032 total views

 86,032 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 169,710 total views

 169,710 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

SHORT CHANGE

 183,714 total views

 183,714 total views Kapanalig, sinasabi ng Merriam dictionary…, ibig sabihin ng “short change” ay to deprive of or give less than something due: CHEAT Sa kabila

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top