138 total views
“Ang edukasyon ang magpapalaya sa bayan mula sa kahirapan.”
Ito ang naging pahayag ni Caritas Manila Executive Director at pangulo ng Radyo Veritas Rev. Fr. Anton CT Pascual sa isasagawang taunang Youth Servant Leadership and Education Program o YSLEP Telethon upang makalikom ng pondo pantustos sa pag–aaral ng nasa 5,000 iskolars nito sa buong bansa.
“Nawa ang kinabukasan ng ating bansa ay nasa kamay ng mga mahihirap ng mga servant leaders na nahubog natin dito sa Caritas YSLEP Program. Sumali po tayo at mag–abuloy at makisangkot dito sa YSLEP Telethon 2016. Pagpalain kayo ng Diyos!” Giit pa ni Fr. Pascual sa Radyo Veritas.
Nauna na rito ay binuo ang Caritas Society of Servant Leaders o CSSL na kinabibilangan ng nasa 10 libong Youth Servant Leaders ng Caritas Manila na ngayon ay tumutulong rin sa mga kapwa nila estudyante na nangangarap makapagtapos sa pag–aaral.
Nakapagtala ngayong taon ng makasaysayang bilang ng mga nagsipagtapos sa buong bansa ang Academic Year 2015-2016 ng 625 Youth Servant Leaders.
Ito na ang pinaka–mataas na bilang ng mga estudyanteng nag–graduate sa ilalim ng Caritas Manila YSLEP.