778 total views
Tinayak ng Caritas Damayan program ng Caritas Manila ang pananatiling handa sa anumang sakuna sa Pilipinas.
Ayon kay Gilda Garcia – Caritas Damayan Program Manager, ito ay higit ngayong panahon ng tag-ulan kung saan binabantayan ang epekto ng bagyong Henry.
“Dito po sa urban areas natin kapag nagkakaroon ng certain calamity within 24-hrs nagrerespond tayo, that is our motto sa damayan, sa mga probinsya po within 24-hrs lalo na pag malayo we have to provide at least the initial financial emergency assistance kasi iba pa rin po na doon na para makabili na ng goods dahil mas malapit at less logistic costs,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Garcia.
Sa tulong ng mga social action centers ng ibat-ibang diyosesis ay natutukoy agad ng Caritas Manila ang ipapadalang tulong sa mga lugar na nasalanta ng kalamidad.
“Ganon po ang Caritas I think na mas nagiging effective and efficient kami in responding and providing assistance kasi malaking tulong yon sa mga naapektuhan areas dahil nga hindi sila makakilos ng wala rin silang masasandalang organisasyon na tutulong sa kanila kagaya ng Caritas Manila,”paliwanag ng Caritas Manila.
Sa huling tala ng Caritas Manila, sa pagsisimula ng pandemya at pananalasa ng bagyong Odette noong December 2021 maging 7.2 magnitude na lindol sa Northern Luzon ay mahigit 2-bilyong piso na ang naibahaging tulong ng social arm ng Archdiocese of Manila.