Laiko, hinikayat ng CBCP-ECL na makibahagi sa National Laity Week

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,068 total reads

Inaanyayahan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on the Laity ang bawat laiko na makibahagi sa nakatakdang National Laity Week.

Ibinahagi ni Tarlac Bishop Enrique Macaraeg – chairman ng kumisyon, na nakatakda ang paggunita ng National Laity Week sa ika-24 ng Setyembre hanggang unang araw ng Oktubre.

Tema ng National Laity Week 2022 ay “Journeying together and reflecting together on the journey that has been made: Communion, Participation and Mission” na hango sa panawagan ng Santo Papa Francisco na Synod on Synodality.

“Sa ngalan po ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas ay inaanyayahan ko kayo mga kapatid naming laiko na makiisa at makibahagi sa pagdiriwang natin ng National Laity Week na gaganapin sa September 24 hanggang October 1, 2022. Ang tema ng ating pagdiriwang ay “Journeying together and reflecting together on the journey that has been made: Communion, Participation and Mission”.” paanyaya ni Bishop Macaraeg.

Nakatakda ang launching ng National Laity Week sa ika-24 ng Setyembre, 2022 mula alas-syete ng umaga hanggang alas-dos ng hapon sa San Carlos Seminary Complex Guadalupe, Makati City.

Pinangangasiwaan ang event ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas na nagsisilbing implementing-arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity (ECL) na binubuo ng higit sa 50-organisasyon ng Simbahan Katolika sa buong bansa.

Layunin ng taunang paggunita ng National Laity Week ang mabigyan ng malalim na kamalayan ang mga layko sa kanilang misyon bilang katuwang ng Simbahan sa pagpapatuloy ng ebanghelisasyon at pagsasakatuparan ng kaligtasan na sinimulan ni Hesus para sa sanlibutan.

Ang mga layko ay ang mga binyagan na hindi naordinahan o kabilang sa mga religious congregation na tinatayang bumubuo sa 99.99% ng mga Katoliko sa buong bansa.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 7,463 total reads

 7,463 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 9,068 total reads

 9,068 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 20,081 total reads

 20,081 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 57,459 total reads

 57,459 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 88,729 total reads

 88,729 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 164,941 total reads

 164,941 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 258,175 total reads

 258,175 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 24,819 total reads

 24,819 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top