374 total views
Hinihikayat ng Caritas Philippines ang mamamayan na suportahan ang isasagawang national vaccination days laban sa Covid19.
Inihayag ni Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, chairman ng NASSA/Caritas Philippines ang suporta sa inisyatibong naglalayon mabakunahan ang 15-milyong Pilipino sa ika-29 ng Nobyembre hanggang a-uno ng Disyembre 2021.
“Since January, the CBCP supported the call of the government for a whole-of-society approach to curb the effects of the global pandemic in our country – getting vaccination has been one of our strongest appeals.”panawagan ni Bishop Bagaforo
Naniniwala ang Obispo na kailangang magtulungan at hindi mahaluan ng pulitika ang layunin na mabakunahan ang maraming Pilipino para matugunan ang pandemya.
“We are seeing that all stakeholders have been helping the government achieve population immunity against the virus which led to a global meltdown. We need to make the most of this coming together – let no issue – political or otherwise, ruin this beautiful fraternal solidarity,” pahayag ng Obispo
Tiniyak naman ni Caritas Philippines executive secretary Rev. Fr. Tony Labiao ang pakikipag ugnayan ng iba’t ibang Social Action Center sa mga Diyosesis sa bansa upang makatulong na pataasin ang vaccination turn out.
“Aside from opening our facilities as vaccination areas, the church volunteers and other resources were offered to the Department of Health and the local government units in full support of the program. We will continue to do so until all is done with our vaccination program,” pahayag ni Fr. Labiao.
Sa datos ng Inter Agency Task Force nasa 123 milyong doses na ng bakuna ang nabili at nakuha ng Pilipinas para i-bahagi sa mga Pilipino.