Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

CBCP Commissions at Church organizations, inaanyayahan sa Mother of Grace Convention Center

SHARE THE TRUTH

 63,299 total views

Inaanyayahan ng humanitarian, development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang mga komisyon ng CBCP at iba’t ibang Church organizations sa Mother of Grace Convention Center na isang makabagong pasilidad na layong magsilbing sentro ng pagtitipon at paglilingkod para sa Simbahan.

Ito ang bahagi ng mensahe ni Caritas Philippines President Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo kaugnay sa bagong Mother of Grace Convention Center na pinasinayaan sa CBCP Caritas Philippines Development Center sa Tagaytay City.

Binigyang-diin ni Bishop Bagaforo na ang bagong pasilidad ay katuparan ng matagal nang hangarin ng Simbahan na magkaroon ng maayos, moderno, at abot-kayang lugar para sa mga gawain ng mga komisyon, simbahan, at iba’t ibang organisasyong Katoliko.

Inihayag ng Obispo na layunin ng pasilidad ang makatulong sa resource mobilization at income generation ng Caritas Philippines, upang higit pang mapabuti ang paghahatid ng serbisyo sa mga programa nito partikular na sa ilalim ng Alay Kapwa 7-legacy programs.

“We are inviting different church organizations, especially around Metro Manila. This is we are offering these services and when you use this when you patronize this you are somehow participating as our partners sa 7 legacy programs naming because whatever we can generate from here we will use it for the improvement and for the expansion ng aming mga services sa seven legacy programs ng Alay Kapwa.” Bahagi ng pahayag ni Bishop Bagaforo sa Radyo Veritas.

Ayon sa Obispo, kasama rin sa layunin ng Mother of Grace Convention Center ang magsilbing hub para sa mga programa ng Caritas Philippines at Caritas Academy, na magbibigay ng mga professional training at formation courses para sa mga manggagawa ng Simbahan.

Ipinaliwanag ni Bishop Bagaforo na bilang tahanan ng mga programa ng Caritas Philippines at ng iba’t ibang komisyon ng Simbahan, ang Mother of Grace Convention Center ay inaasahang magiging lugar ng pagkakaisa, pagbabahaginan, at paghubog na isang kongkretong tanda ng patuloy na misyon ng Simbahan na itaguyod ang paglilingkod, katarungan, at pagkakapatiran sa ngalan ni Kristo.

Component ng program namin dito sa Mother of Grace Convention Center is yung para magiging hub ito in partnership with our Caritas Academy. Na yung aming Caritas Academy will be providing mga professional training and professional courses. And this will partner with our academy, Caritas Academy, for a venue where they can come together and a venue where they can come together and a venue where they can use in order that much better yung environment for learning, saka environment for dialogue.” Dagdag pa ni Bishop Bagaforo.

Pinangunahan ni Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Charles John Brown, D.D. ang pagbabasbas ng bagong Mother of Grace Convention Center sa CBCP Caritas Philippines Development Center sa Tagaytay City noong Oktubre 14, 2025 katuwang si Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) President Kalookan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David at Bishop Bagaforo.

Personal din dumalo sa opisyal na pagpapasinaya sa Mother of Grace Convention Center si In-coming Caritas Philippines President San Carlos Bishop Gerardo Alminaza kasama ang iba pang kasaping miyembro ng CBCP-Episcopal Commission on Social Action, Justice and Peace na sina Imus Bishop Reynaldo Evangelista, Daet Bishop Herman Abcede, Palo Archbishop John Du, Prosperidad Bishop Ruben Labajo, at Caritas Philippines Executive Director Fr. Carmelo “Tito” Caluag.

 

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PORK BARREL

 74,033 total views

 74,033 total views Kapanalig, bakit katakam-takam ang Pork barrel funds? Bakit nababaliw ang mga mambabatas sa pork barrel? Noong 2013, idineklara ng Korte Suprema na unconstitutional

Read More »

THE CONDUCTOR

 86,573 total views

 86,573 total views Kapanalig, sinasabi ng Cambridge dictionary na ang “CONDUCTOR” ay “Person who directs the performance of musicians or a piece of music especially by

Read More »

Sakramento ng kasal

 108,955 total views

 108,955 total views Mga Kapanalig, paunti raw nang paunti ang mga nagpapakasal sa ating bansa. Iniulat ito noong isang linggo ng Philippine Statistics Authority (o PSA).

Read More »

Aktibismo, red tagging, at ang kalikasan

 128,464 total views

 128,464 total views Mga Kapanalig, hindi lamang ang mga aktibista ang napapahamak sa red-tagging o ang pag-uugnay sa kanila sa mga itinuturing na kalaban ng estado.

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Norman Dequia

“Not in Pangasinan. Not Anywhere Else!”

 22,806 total views

 22,806 total views Mariing tinutulan ng mga obispo ng Metropolitan of Lingayen–Dagupan ang planong pagtatayo ng isang nuclear power plant sa Western Pangasinan, na sakop ng

Read More »

RELATED ARTICLES

Scroll to Top