Alyansa Tigil Mina, nanawagan ng reporma at pananagutan sa industriya ng pagmimina

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 47,057 total reads

Binigyang-diin ng Alyansa Tigil Mina ang patuloy na banta ng mapaminsalang pagmimina sa Pilipinas, sa kabila ng agresibong kampanya ng pamahalaan na akitin ang mas maraming kumpanya ng pagmimina na mamuhunan sa bansa.

Ayon kay ATM National Coordinator Jaybee Garganera, isinusulong ng pamahalaan ang bansa bilang “mining hub” dahil sa yaman ng mga likas na yaman tulad ng nickel at copper, na mahalaga sa tinatawag na transition minerals para sa malinis na enerhiya.

Gayunman, nagbabala si Garganera sa posibleng malawakang pinsala sa kalikasan, kabilang ang pagkasira ng mga coral reef at banta ng seabed mining.

“Mahigit po 44 ‘yung mining applications na offshore, ibig sabihin nasa karagatan, at siguro dalawa o tatlo d’yan ay handa nang mag full-blown operations. Kaya ‘yun po yung medyo malaking kaibahan ngayon na nakakalungkot,” pahayag ni Garganera sa panayam sa programang Barangay Simbayanan.

Kabilang din sa mga binabantayan ng ATM ay ang planong pagbubukas ng bagong minahan sa sakop ng Diyosesis ng Bayombong, partikular sa Dupax del Norte, Nueva Vizcaya, gayundin ang mga lumalawak pang mga operasyon ng pagmimina sa Diyosesis ng Bangued sa Abra at sa Borongan, Eastern Samar, mahigpit na tinututulan ng mga residente katuwang ang mga social action centers na tumutulong sa mga apektadong komunidad.

Tinalakay rin ni Garganera ang usapin ng korapsyon sa industriya ng pagmimina, na aniya’y isa sa mga ugat ng kawalang-pananagutan sa sektor.

Batay sa beneficial ownership study ng ATM, natuklasang maraming pulitiko ang may kaugnayan o interes sa mga mining company—isang salik na nagpapalala sa kawalan ng pananagutan at patas na pagpapatupad ng batas.

“May korupsyon, hindi lang sa [Department of Public Works and Highways], hindi lang sa Department of Agriculture. Malinaw, may korupsyon din sa [Department of Environment and Natural Resources]… Kaya miski ‘yung mga local governments na bagong upo nitong 2025, kakaupo pa lang nila nung July o August, meron palang mining contract na in-approve ang DENR National. Ba’t hindi nakonsulta ang mga local governments? Hindi alam ng mga tao. Hindi nagkaroon ng pagpayag ‘yung mga katutubo,” ayon kay Garganera.

Kaugnay nito, isasagawa sa October 20-24, 2025 ang “Mining Hell Week”, na may temang “MINAtira pa ba? Kurakot managot!”, na layong papanagutin at hamunin ang mga tiwaling opisyal at kompanya na patuloy na nakikinabang sa industriya ng pagmimina.

Binigyang-diin din ni Garganera na bagama’t mayaman ang bansa sa mineral tulad ng nickel, hindi napapakinabangan ng mga Pilipino ang yaman ng pagmimina, dahil ang mga benepisyo ay napupunta sa ibang bansa tulad ng China at Japan.

Bilang tugon, isinusulong ng ATM ang Alternative Minerals Management Bill (AMMB) na layong palitan ang Philippine Mining Act of 1995 upang paigtingin ang pananagutan, transparency, at patas na pagbabahagi ng kita mula sa likas na yaman.

Bagama’t umaasa si Garganera sa suporta ng ilang mambabatas sa Kongreso at Senado, aminado siyang kailangan pa rin ng mas malawak na koalisyon at suporta ng publiko upang maisulong ang ganap na reporma.

“Ang pinaka-epektibong paraan para isulong natin ‘yung care for our common home ay sa local level. So, together with our parish, with the Social Action Center, and the very active voice of our bishops in the diocese… The voice of the church na very inspiring coming from Laudato Si’ and the active citizenship ng mga tao, walang choice ang isang local government unit kundi makinig. Ang laki po talaga ng role ng Laudato Si’ and the church, and the pastoral work and the leadership ng mga church at ng faith-based organizations,” saad ni Garganera.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 56,107 total reads

 56,107 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 135,432 total reads

 135,432 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 168,877 total reads

 168,877 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 204,175 total reads

 204,175 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 428,447 total reads

 428,447 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 157,165 total reads

 157,165 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top