286 total views
Hinihikayat ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ang kabataan na manindigan at bigyang tinig ang kanilang mga hinaing sa simbahan at sa lipunan.
Ayon sa inilabas na pastoral letter, ang kabataan ay mga alagad na ipinadala para magmisyon.
“To the countless youth volunteers and missionaries who share their gifts in the building up of God’s Reign—upholding and defending life and human dignity, the environment, justice, freedom and peace, among others—your families, the Church and our society recognize you, and need more of your willingness and dedication. You clearly remind us that a life embraced and shared wholeheartedly contributes to the ongoing work of creation and glorifies God,” bahagi ng pastoral letter ng CBCP.
Sa mensahe pa ni CBCP President, Davao Archbishop Romulo Valles, malaki ang bahagi ng kabataan para pukawin ang mga pinuno at lingkod ng simbahan upang maibalik ang sigla ng pananampalataya ng bawat isa tungo sa iisang misyon.
“We look at you, our young people, so full of dynamism, as disciples sent on a mission to make disciples for Jesus. We pray that your discernment, choices and actions will lead you to a purposeful life,” ayon pa sa liham.
Naniniwala ang CBCP na ang kabataan ay may malaking bahagi para sa pagbabago at kakayahang magsikap para sa pagpapabuti ng simbahan at lipunan.
Ngayong taon ipinagdiriwang ng simbahang katolika sa Pilipinas ang ‘Year of the Youth’ na may temang ‘Filipino youth in mission: Beloved, Gifted, Empowered’ bilang bahagi ng paghahanda ng simbahan sa ika-500 kristiyanismo sa bansa sa taong 2021.
Ayon sa liham pastoral; “Awaken the shepherds in us, your elders, and rekindle the fire of faith, hope and love in everyone in the Church so that together, we can journey and minister with you, as you serve the Church and your fellow youth.”
Sa tala, nasa 20 porsyento ng kabuuang bilang ng mga katoliko sa Pilipinas na 86 na milyon ay mga kabataang nasa edad 15 hanggang 24.