Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Papal Nuncio, nakilakbay sa mga kabataan ng Central Luzon

SHARE THE TRUTH

 251 total views

Matagumpay ang pagtitipon ng mga kabataan ng Central Luzon bitbit ang hamon na palaganapin ang mga turo ng Simbahan sa kapwa kabataan at sa buong komunidad.

Ayon kay Balanga Bishop Ruperto Santos, Chairman ng Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines, higit na kailangan ng Simbahan ang mga kabataan sa misyong ibahagi sa buong pamayanan ang mga turo ng Panginoon.

“Sa pagbalik ng mga kabataan sa kanilang mga diyosesis dapat nilang ipahayag at isabuhay ang pananampalataya at dakilang pag-ibig ng Panginoon, ibahagi ang kanilang karanasan sa pagtitipon lalo na sa kapwa kabataan,” pahayag ni Bishop Santos sa Radio Veritas.

Ipinaliwanag ng Obispo na malaking gampanin ng mga kabataan ang makibahagi at makiisa sa pagpapalaganap ng Mabuting Balita ng Panginoon.

Hinimok ni Bishop Santos ang bawat kabataan na maging mabuting halimbawa sa komunidad na kinabibilangan.

9th CENTRAL LUZON YOUTH PILGRIMAGE

Sa pahayag naman ni Rev. Fr. Ian Andal, Regional Youth Director ng Region III, mahalaga ang pagtitipon ng mga kabataan sapagkat lalong mapag-alab ang pag-ibig ng Diyos sa bawat indibidwal lalo na sa kabataan.

“Ito ay nakatutulong sa kanilang buhay pananampalataya upang mas higit nilang maramdaman ang pagkilos ng Diyos sa pamamagitan ng kanilang kapwa kabataan,” pahayag ni Fr. Andal sa Radio Veritas.

Ayon sa Pari, sa isinagawang Central Luzon Youth Pilgrimage ay lalong napalalim ng mga kabataan ang ugnayan sa Diyos sa pamamagitan ng pagbubuklod sa kapwa kabataan na naipapakita sa pagdadamayan at pagbabahaginan ng mga kuwento sa buhay pananampalataya.

Dahil dito, hinimok ni Fr. Andal ang mga kabataan na patuloy ilaan ang sarili sa paglilingkod sa kapwa at sa Inang Simbahan habang pinalalakas ang ugnayan sa Panginoon alinsunod sa tema ng pagtitipon ang “Panginoon, narito ang Lingkod Mo, isugo Mo ako.”

15th MOUNT SAMAT PILGRIMAGE

Bahagi ng apat na araw na pagdiriwang ng 9th CLYP na nagsimula noong ika – 29 ng Nobyembre hanggang ika – 2 ng Disyembre ang paglalakad ng mga kabataan patungong Mt. Samat kung saan ito ay makahulugan sa bawat isang nakilahok dahil dito naipakikita ang mga sakripisyo at pagkakaisa ng bawat mananampalataya.

Sinabi ni Bishop Santos na habang naglalakbay ang mga kabataan ay humihinto ito sa ilang mga lugar at nag-aalay ng mga panalangin sa mga Santo na patron ng 7 Diyosesis na lumahok sa pagtitipon.

“Humihinto ang mga kabataan at nagdarasal sa mga Santo ng diyosesis at yun ay pagpapakilala rin sa nagawa ng mga patron nila na dapat tularan,” ani ni Bishop Santos. Aniya, “hindi lamang basta paglalakbay ang ginawa ng halos 3, 000 kabataan kundi pinagninilayan din nito ang mga katuruan ng Simbahan partikular ang pangangalaga sa kalikasan at sa lahat ng bagay na ipinagkaloob ng Panginoon na dapat ingatan.” pahayag ni Bishop Santos

Ang Mount Samat pilgrimage din ay pagkakataong nagpamulat sa mga kabataan na sila ay kumikilos hindi lamang sa kanilang sarili kundi para rin sa Simbahang Katolika.

Kaisa sa paglakbay ng mga kabataan si Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Gabrieli Giordano Caccia kung saan pinamunuan din nito ang pagdiriwang ng Banal na Misa.

Sa homiliya ng kinatawan ng Santo Papa sa Pilipinas, binigyang diin nito ang kahalagahan ng mga kabataan para sa Simbahan kaya’t hinimok itong isabuhay ang mga natutuhan at palawakin ang kaalaman hinggil sa Simbahan.

Sa pagtatapos ng Eukaristiya ay sama-samang inawit ng mga kabataan ang “Tell the World of His Love” ang theme song sa World Youth Day noong 1995 kung saan hawak ang mga sinindihang kandila at ilaw ng mga cellphone na nagbibigay liwanag sa paligid.

Makabuluhan para sa Diyosesis ng Balanga ang pagiging host diocese sa ika – 9 ng CLYP dahil bukod sa kasabay nito ang 15th Mount Samat Pilgrimage ay dito rin pormal na inilunsad ang Year of the Youth na bahagi ng paghahanda sa ika – 500 anibersaryo ng Kristiyanismo sa Pilipinas sa 2021.

Kabilang sa mga Diyosesis ng Gitnang Luzon na nakilahok ang Diyosesis ng Iba, Cabanatuan, Balanga, Malolos, San Jose, Tarlac at Arkidiyosesis ng San Fernando.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

POGO’s

 13,191 total views

 13,191 total views TOTAL shutdown of Philippine Offshore Gaming Operators (POGO), ito ay bahagi ng 2024 State of the Nation Address (SONA) ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Ang POGO ay parang kabute na nagsusulputan sa iba’t-ibang bahagi ng bansa para i-cater ang mga Chinese gambler.. Bukod sa online gambling, pinasok na rin ng POGO ang financial

Read More »

Culture Of Waste

 21,584 total views

 21,584 total views Isa ang Pilipinas sa mga 3rd world countries o mga bansang mataas ang poverty rate., Batay sa 2024 Global Hunger Index (GHI), 67 ang rank ng Pilipinas mula sa 127-bansang may mataas na hunger rate. Sa survey ng Social Weather Station (SWS) sa unang quarter ng taong 2024, natuklasan na 14.2-percent o 3.5-milyon

Read More »

Trustworthy

 29,601 total views

 29,601 total views Servant leader (mabuting katiwala) mapagkakatiwalaan, maaasahan…Ang totoong public servant ay nararapat TRUSTWORTHY., walang bahid ang pagkatao;incorruptible, …mabuting katiwala ng mamamayan sa pagpapadaloy ng serbisyong publiko. Umiiral pa ba ang katangiang ito sa kasalukuyang mga kawani, opisyal ng mga ahensiya ng pamahalaan at mga halal na opisyal? Kapanalig, aminin man natin o hindi.., bahagi

Read More »

Hindi biro ang krisis sa klima

 36,061 total views

 36,061 total views Mga Kapanalig, natapos noong isang linggo ang ika-19 na Conference of Parties (o COP 29). Ang COP ay taunang pagpupulong ng mga opisyal ng pamahalaan ng iba’t ibang bansa, kinatawan ng mga NGOs, at eksperto mula sa mga bansang pumirma sa United Nations Framework Convention on Climate Change (o UNFCCC). Ang nagdaang COP

Read More »

Maingat na pananalita

 41,538 total views

 41,538 total views Mga Kapanalig, naaalala pa ba ninyo ang isang public school teacher noon na inaresto ng National Bureau of Investigation (o NBI) dahil sa isang social media post tungkol kay dating Pangulong Duterte? Pabiro kasi siyang nag-alok ng 50 milyong piso para sa sinumang makapapatay sa dating pangulo. Walong araw lamang matapos ang post

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Marian Pulgo

Bagong Obispo ng Diocese of Cubao, pormal nang itinalaga

 1,817 total views

 1,817 total views Pormal nang itinalaga bilang ikalawang obispo ng Diocese ng Cubao si Bishop Elias Ayuban Jr. sa rito ng pagtatalaga na ginanap sa Mary Immaculate Cathedral sa Cubao, Quezon City. Ang misa ng pagtatalaga ay pinangunahan ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula, katuwang sina Apostolic nuncio to the Philippine Charles Brown, kasama ang ilang

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Clergy for Good Governance, ilulunsad sa Immaculate Conception Cathedral

 3,095 total views

 3,095 total views Tatlong daang pari, kabilang ang 12 obispo mula sa iba’t ibang diyosesis sa Luzon, Visayas, at Mindanao, ang lumagda bilang mga convenors ng Clergy for Good Governance (CGG), isang samahan na ilulunsad sa darating na Nobyembre 29. Ang Clergy for Good Governance, na may temang “Maka-Diyos, Maka-Filipino”, ay naglalayong isulong ang mga prinsipyo

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Caritas Manila Damayan telethon for typhoon Kristine, isasagawa ng Radio Veritas

 14,462 total views

 14,462 total views Bunsod ng malawak na pinsala na iniwan ng bagyong Kristine, inaanyayahan ang mga Kapanalig ng Radio Veritas at Caritas Manila na makibahagi sa isasagawang telethon sa Lunes, Oktubre 28, 2024. Gaganapin ang Caritas Manila Damayan Typhoon Kristine Telethon sa Kapanalig na himpilan ng Radyo Veritas simula, ika-pito ng umaga hanggang sa ikaanim ng

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Parusa sa mga sangkot sa pekeng war on drugs, hiling ng mga Pari

 17,621 total views

 17,621 total views Pangunahing paksa ng ika-walong pagdinig ng Quad Committee ng Kamara ang isyu ng extra judicial killings (EJK), na iniuugnay sa war on drugs ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Bago ang pagdinig, isang misa ang idinaos sa House of Representatives People’s Center na pinangunahan nina Fr. Joel Saballa-ng Caritas Novaliches, Fr. Noel

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Sa patuloy na tensyon sa Holy Land; Araw ng pananalangin at pag-aayuno itinakda ni Pope Francis sa October 7

 18,368 total views

 18,368 total views Hinimok ni Pope Francis ang mananampalataya sa buong mundo na makiisa sa isang araw ng panalangin at pag-aayuno sa Oktubre 7 bilang paggunita sa isang taon mula nang umatake ang Hamas sa Israel, kasabay ng tumitinding karahasan sa rehiyon. Ito ang naging panawagan Santo Papa, sa pagtatapos ng kanyang homilya sa misang ginanap

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

‘Papal award’ igagawad kay Ret. CJ Panganiban

 22,617 total views

 22,617 total views Pangungunahan ng Kaniyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang paggawad ng ‘papal award’ kay retired Supreme Court Chief Justice Artemio V. Panganiban. Si Panganiban ay ang kasalukuyang Pangulo ng Manila Metropolitan Cathedral-Basilica Foundation. Ang Pro Ecclesia et Pontifice ay isang mataas na parangal mula sa Santo Papa ng Simbahang Katoliko na ibinibigay

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Interreligious dialogue at harmony, misyon ng Santo Papa

 22,805 total views

 22,805 total views Bukod sa pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang relihiyon, ang pag-abot at pakikipagtagpo sa mga mananampalataya sa malalayong lugar at ibang pananampalataya ang isa sa mahalagang gawain ng Santo Papa Francisco bilang pinuno ng simbahang katolika. Ito ang binigyan diin ni Apostolic Nuncio to the Philippine Archbishop Charles Brown sa 45th Apostolic Journey ni Pope

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Paglapastangan sa Huling Hapunan sa Paris Olympics: Obispo, hinikayat ng mananampalataya na tumugon ng may pag-ibig

 31,656 total views

 31,656 total views Pinaalalahanan ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang mananampalataya na bilang mga anak ng Diyos, ay hindi dapat tanggapin ang mga pananaw ng mga hindi sumasampalataya o umangkop sa pamantayan ng mundo. Ito ang mensahe ng obispo, kaugnay na rin sa ginawang paglalarawan ng Huling Hapunan ng ilang grupo na ginanap sa pagsisimula ng

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

“Marriage is not the problem, it is the hardness of our hearts”

 53,954 total views

 53,954 total views Patuloy na naninindigan ang simbahang Katolika sa pagtataguyod at pagpapatatag ng sakramento ng kasal at pagtutol sa diborsyo. Ayon Fr. Roy Bellen, Vice President for Operations ng Radyo Veritas at kura paroko ng National Shrine of the Sacred Heart, ang pagtutol sa diborsyo ng simbahan ay nakabatay sa kautusan ni Hesus na siyang

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Kura-paroko ng nasunog na 17th century church sa Ilagan-Isabela, nanawagan ng tulong

 52,310 total views

 52,310 total views Nanawagan ng tulong ang parokya ng St. Ferdinand sa Ilagan, Isabela sa mga mananampalataya upang muling maitayo ang nasunog na simbahan. Ayon kay Fr. Zuk Angobung Parish Priest ng St. Ferdinand Parish, kasalukuyang sumasailalim sa pagsasaayos ang simbahan at pawang mga manggagawa lamang ang nasa loob ng parokya. “Nanawagan po kami sa lahat

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Caritas Manila, lubos ang pasasalamat sa mga tumugon sa Alay Kapwa telethon

 59,172 total views

 59,172 total views Nagpapasalamat ang Caritas Manila sa lahat ng patuloy na nakikiisa sa mga programa ng simbahan na ang layunin ay tulungan ang mga higit na nangangailangan. Ito ang mensahe ni Fr. Anton CT Pascual, executive director ng Caritas Manila sa Caritas Manila Alay Kapwa Telethon na inilalaan ng simbahan sa pagtulong sa mga higit

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Walk for Life 2024: “May we become active proclaimers of the Gospel of Life together-Cardinal Advincula

 70,239 total views

 70,239 total views Nagpapasalamat si Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang lahat ng mga na nagsusulong at patuloy na nagtatanggol ng kasagraduhan ng buhay at ng pamilya. Ayon kay Cardinal Advincula, kinakailangang ang sama-samang pagtatanggol sa dignidad ng bawat tao at upang maisakatuparan ang misyon na dapat na isagawa nang magkakasama, tulad ng tema ng Walk

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Maglingkod at manalangin, panawagan ni Cardinal Advincula sa mananampalataya

 67,615 total views

 67,615 total views Hinikaya’t ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang mananampalatayang Kristiyano na maglingkod at manalangin ng buong kababaang loob at ganap na pagtitiwala sa Panginoon. Ito ang bahagi ng mensahe ng Cardinal sa ginanap na misa sa Manila Cathedral kaugnay sa paggunita ng Ash Wednesday- ang hudyat ng pagsisimula ng Kwaresma. Sa kaniyang homiliya

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Obispo tutol na ihiwalay ang Mindanao sa Republika ng Pilipinas

 70,653 total views

 70,653 total views Tutol ang obispo mula sa Mindanao sa panukalang ihiwalay ang Mindanao bilang bahagi ng Republika ng Pilipinas. Ayon kay Ozamis Archbishop Martin Jumoad, kinakailangang pangalagaan ang pagkakaisa ng bansa at hindi paglikha ng pagkakakahati-hati. ‘We have to preserve our unity. No to disintegration of our land,” ayon sa ipinadalang mensahe ng arsobispo sa

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Pagkakaroon ng OFW Personal Prelature, nasa pagpapasya na ni Pope Francis

 70,009 total views

 70,009 total views Hinihintay na lamang ng Catholic Bishops Conference of the Philippines ang pasya ng Kaniyang Kabanalan Francisco sa mungkahing pagkakaroon ng ng Personal Prelature para sa mga Overseas Filipino Worker (OFW). Ayon kay Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, ang panukala ay muli ring tinalakay ng kalipunan ng mga obispo sa katatapos lamang na 127th

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top