Eukaristiya, pinakamataas na uri ng panalangin

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,117 total reads

Binigyang diin ng isang Obispo na mahalaga ang pagdalo sa Banal na Misa bilang pinakamataas na uri ng pananalangin ng mga mananampalatayang Katoliko.

Ayon kay Tagbilaran Bishop Alberto Uy, sa Eukaristiya ang bawat isa ay makibahagi sa pag-aalay ng buhay ng Panginoong Hesus upang matubos ang kasalanan ng sangkatauhan.

“We believe that as we celebrate the Eucharist with the lord Jesus we offer the sacrifice, ang atong mga kasinatian sa kinabuhi atong ihalad uban kang Kristo ug kini maoy maghatag nato ug kaluwasan [We believe that as we celebrate the Eucharist with the lord Jesus we offer the sacrifice, ang ating mga karanasan sa buhay, ialay natin sa Panginoon at ito ay magiging daan sa ating kaligtasan],” pagninilay ni Bishop Uy.

Ipinaliwanag ng Obispo na mahalaga para sa mananampalatayang Katoliko ang pagdalo sa Banal na Misa sapagkat sumusunod tayo sa utos ng Panginoong Diyos na Mangilin sa araw Linggo at mga araw na dapat ipangilin.

Ang pagninilay ni Bishop Uy ay bilang tugon sa pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte kung saan hinimok ang mamamayan na huwag magtungo sa mga Simbahan at dumalo sa mga Banal na Misa kundi manatili na lamang sa mga bahay upang magdasal.

Ayon kay Bishop Uy, bagamat makahulugan din ang sama-samang pagdadasal ng buong pamilya sa bawat tahanan, mahalaga rin ang pagtitipon ng buong sambayanang Kristiyano sa Banal na Eukaristiya sapagkat ang sambayanan ang tunay na Simbahan at hindi ang mga gusali.

Dahil ditto, hinimok ng Obispo ang mamamayan na magkaisa sa pananalangin para sa Pangulo at lahat ng namumuno sa bayan upang magabayan sa bawat programang ipatutupad sa bansa na makasusunod sa kalooban ng Panginoon.

“This is our obligation as citizens of the country, maghiusa gyud ta sa pag-ampo para sa atong presidente aron ang iyang mga pagabuhaton, ang iyang mga damgo para sa nasod, mahisubay gyud sa mga pamaagi sa Ginoo [This is our obligation as citizens of the country, magkaisa tayo sa panalangin para sa ating Pangulo upang ang lahat ng kaniyang gagawin at pangarap para sa bansa ay naaayon sa kagustuhan at pamamaraan ng Panginoon].” ani ng Obispo.

Batay sa tala ng Catholic Directory ang Diyosesis ng Tagbilaran ay binubuo ng halos 800, 000 Katoliko na kabilang sa mahigit 80 porsiyentong Katoliko sa kabuuang populasyon sa Pilipinas.

Mga Pari, mensahero ni kristo

 828 total reads

 828 total reads Binigyang-diin ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas na ang mga pari ay tinatawag na maging mga tagapagdala ng mensahe ni Kristo, sa kabila ng

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 10,047 total reads

 10,047 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 50,607 total reads

 50,607 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 78,058 total reads

 78,058 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 126,323 total reads

 126,323 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 148,005 total reads

 148,005 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top