Pagdiriwang ng Year of the Youth, walang saysay kung hindi magiging sentro si Hesus

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 619 total reads

Isang masayang pagdiriwang ang isinagawa ng Archdiocese of Manila sa pagsalubong sa Year of the Youth noong una at ikalawang araw ng Disyembre, sa Our Lady of Guadalupe Minor Seminary, sa pangunguna ng Archdiocesan Commission on Youth.

Libu-libong mga kabataan ang nagsaya, nanalangin at nagpayaman ng karanasan at kaalaman kaugnay sa mga usaping mahalagang kasangkutan ng mga kabataan.

Pinangunahan naman ng kaniyang Kabunyian Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang banal na Misa, bago matapos ang pagtitipon sa paglulunsad ng Year of the Youth.

Sa pagninilay ng Kardinal, ipinaliwanag nito sa mga kabataan ang kahalagahan ng pagsisimula ng panahon ng adbiyento, kasabay ng bagong tema ng taon.

Sinabi ni Cardinal Tagle na bagamat natapos ang isang liturgical year ay palagi namang “mayroon pang susunod, mayroon pang hinaharap at mayroon tayong hinihintay.

“The Son of Man will come, at iyon ang ipinapaalala sa atin ng adbiyento.” pahayag ni Cardinal Tagle

Idinagdag ni Cardinal Tagloe na isang makabuluhan at may saysay na paghihintay ang itinuturo ng adbiyento lalo na sa mga kabataan, kaya naman marapat lamang na harapin ng bawat isa ang kasalukuyan habang tinitignan ang kinabukasan kung saan masusumpungan ng bawat isa si Hesus.

“Our future has a name – Jesus. Hindi ambisyon, pagyaman, kun’di si Hesus.” pahayag ni Cardinal Tagle.

Samantala, sa gitna ng mga pagsubok sa buhay at umiiral na suliranin sa lipunan, hinimok ng Kardinal ang mga kabataan na maging misyonero ni Hesus.

Gayunman, nilinaw ni Cardinal Tagle na maisasakatuparan lamang ito ay kinakailangang humugot ng lakas kay Hesus ang bawat isa.

“Humanap ka ng lakas kay Hesus at hindi ka mambubusabos ng kapwa. Ang mga nambubusabos ng kapwa sa salita, isip at gawa, yan ang pinaka insecure na tao sa buong mundo… Ang mga kabataan na ang kinakapitan ay si Hesus, you will be blessed, you will be empowered.” paglilinaw ni Cardinal Tagle

Sa huli, ipinaalala din ni Cardinal Tagle na ang susi upang mapagtagumpayan ang misyon na iniaatas ng Diyos ay ang paglalagay kay Hesus sa sentro ng ating buhay.

Aniya, lahat ng mga gawain, at maging ang pagdiriwang sa Year of the Youth ay mawawalan ng saysay kung hindi si Hesus ang magiging sentro. Tinatayang mahigit sa 2,000 mga kabataan ang lumahok sa pagdiriwang ng paglulunsad sa Year of the Youth sa Archdiocese of Manila.

Ang pagdiriwang na ito ang ikapitong taon na bahagi ng paghahanda ng simbahan para sa nalalapit na pagdiriwang ng ika-500 taon ng Kristiyanismo sa Pilipinas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 23,081 total reads

 23,081 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

SCRIPTED NONSENSE

 107,401 total reads

 107,401 total reads Kapanalig, ano ang napapansin niyo sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte? Sa simula pa lamang ng impeachment trial, pinapalutang

Read More »

Battered woman syndrome

 201,732 total reads

 201,732 total reads Mga Kapanalig, dalawang linggo mula ngayon magsisimula ang 18-Day Campaign to End Violence against Women. Taun-taon ito ginugunita mula November 25 hanggang December

Read More »

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 263,418 total reads

 263,418 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »

Salat sa malasakit

 308,017 total reads

 308,017 total reads Mga Kapanalig, pasintabi po sa maselang tema ng ating editoryal ngayon.  Lamán ng mga balita kamakailan ang 26 na labî ng aso at

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

IKAW PALA ANG MISYON NIYA SA LUPA

 30,732 total reads

 30,732 total reads Isang tula tungkol sa pag-ibig, pagkawala, at pananampalataya Bakit nga ba, Panginoon, sa dami ng taong maaari naming makilala, may mga pusong sa

Read More »

BAKIT LALAYO PA?

 60,336 total reads

 60,336 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 53,175 total reads

 53,175 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top